Kung alam ko lang na mauuwi sa madugong eksena ang araw na ito, sana hindi na lang sumikat ang araw para tuluyan na rin akong mahimlay sa kamang aking kinahihigaan! Mas mabuti na rin sigurong payapa ang aking pagpanaw kaysa lalabasan ako ng sangkatutak na dugo!
Sa tanang buhay ko i've never ever experienced na masugatan. Not even once as far as i can remember! My legs can attest to that. Nagkapeklat man ang aking mukha dahil sa kagagawan ng mga mumurahing facial center pero it's not due to someone who intend to do so.
Hindi ko talaga matanggap na ikaw pa Gary ang maglalagay ng peklat sa aking porcelanang mukha. Ikaw na minahal ko sa loob ng kalahating taon. Ikaw na itinuring kong kabiyak nitong puso kong mamon! Ikaw na inasahan kong mag-aangat sa akin pag akoy nadapa!Ikaw na tinuring kong knight in shining armour.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako lumusob sa ulan para lang makita ka. In the first place, bakit pa kita nakilala?
Bigyan mo ako ng dahilan sa pagwawala mo! Bakit kailangan mo pang basagin ang platong di naman sayo? Bakit pati kutsara't tinidor ay binali mo?
Masyado kang makasarili! Ganyan ka ba pag umibig? Plano mo ba talagang bakuran ako? For god's sake, wala akong pekpek na pagbabaonan mo ng junior mong maliit! Hindi kita mabibigyan ng anak dahil wala akong matris! Hindi mo ko pwedeng iharap sa mga magulang mo dahil di ako babae! GEisha ako! Bulag ka ba? O nabulag ka ng libog mo?
Gusto ko lang naman ng time for myself. Gusto ko lang mapag-isa. Gusto ko lang makapagmuni-muni. I need to find myself in this chaotic homo relationship. That's it no more no less! Kailangan pa bang mag masugatan dun? Kelangan bang magwala ka kung di ka papayag sa ganong settlement?
Sana di na lang kita pinigil nung sinaksak mo ang dibdib mo ng tinidor! Kung magdrama ka rin lang sana yung pang Oscar Awards. Pwede namang kutsilyo ang kunin mo at isaksak sa dibdib mo bakit yung katabi pa nyang tinidor and gawin mong panaksak?
My God!Hindi ako babae. Pwede ka pang mag-asawa, magka-anak at magkapamilya! Makakahanap ka pa ng mas higit na magmamahal sayo. May mas hihigit pa sa akin na magmamahal sayo.
Pero hindi mo na maibabalik ang lahat. Lumuhod ka man sa aking harapan ay di kita mapapatawad. Habambuhay ko nang tititigan sa salamin ang sugat na dinulot mo sa aking mukha! Tuluyan mang maghiwalay ang ating mga landas, mananatili ka pa rin sa akin habambuhay hanggang sa hukay ko!
Wag kang mag-alala hinding-hindi kita makakalimutan.
Matatandaan ko lagi na ikaw ang unang taong nagbigay ng sugat sa aking puso at mukha!
Pakyu!
2 Comments
10 palakpak para sayo. Bata ka pa. Matatagpuan mo rin ang taong nararapat talga para sayo.
ReplyDeletehow i wish....huhuhuhuhu
ReplyDeletebahala na si batman...:(