exact fare only!

OUr lesson for today is about Filipino.



Let's start with tenses of the verb:


 


 


TINULAK, nakitulak, minura!


In other words: Maraming beses na akong naitulak subalit binalewala ko lang. Sa pagkakaalam ko kasi given na 'yung maitulak ka.


One day, isang araw, naitulak ako ng isang lalaking talo pa ang kabayo kung tumakbo. Sa lakas ng tulak nya, naitulak ko tuloy ang nasa aking harapan. At nagkaroon agad ako ng isang bongang-bongga at malutong na "Putang ina".


NIYAKAP, yumakap, nasampal (almost lang naman).


Translation: HIndi lang isang beses kundi apat na beses na akong nayakap and still counting. In a very undesirable situation of course.


Una, isang babaeng kunyari ay nahilo sabay yakap sa akin. 'Nung nakita 'nyang geisha ang niyakap 'nya tumalikod ang gaga at nag recite ng "ama namin". Sinubukan ko rin one time na ako naman ang yumakap.


Kunyari natumba ang drama sabay hawak sa braso ng isang lalaking makisig at gwapo. Pero tuso ang pesteng yawa! Alam 'nya ang modus operandi ko. Nasa 1 pa lang ang bilang ko para sa qeue na "action" kumilos na ang gago! Ayun, si Lolo ang nayakap ko. Buti na lang di ako sinampal!


TINAPAKAN, gumanti, nasipa.


Samakatuwid: Minsan sa sobrang pagmamadali, hindi na natin iniintindi kung ebak man ang ating matapakan. Lalo na pag sobrang siksikan, hindi talaga maiiwasang mamatayan ng koko lalo na kung military boot ang suot ng lecheng aapak sa paa mo.


Tatlo sa aking pinaka-paboritong koko ang muntik ng paglamayan sa Buendia. Buti na lang nahila ko aking paa kaya isa lang ang napinsala. Twing naaalala ko ang eksenang 'yon, lagi kong naiisip ang paghihiganti kaya isang araw, habang papalabas na ako, isang paa ang humarang sa akin.


Sa pag-aakalang kakayanin ko ang pagtaboy sa luyang iyon na pagmamay-ari ng construction worker (may halong semento kasi) sa pamamagitan ng bonggang pagtapak, isang malakas na stomp your foot ang ginawa ko. Pero malakas si kuya, nasipa 'nya ako bago pa amn ako makalabas.




It was then i realized vengeance is not ours, it's from the construction worker!



Ikaw?
Anong lessons mo from riding the MRT?

Post a Comment

11 Comments

  1. ang natutunan ko, hindi lahat ng tao nakaka-afford maligo at magtoothbrush twing umaga pero naa-afford nilang mag-mrt at makipagsiksikkan.. lakas!

    Geisha|: bwahahahahhaha :D korek ka jan! jusko not to mention the amoy fireworks at times :)

    ReplyDelete
  2. basta natutuhan ko lamang na may kinalaman sa MRT ay magpunta muna sa banyo bago sumakay ng MRT dahil pag sa kahit anong station naabutan magnumber 1 or number 2, eh talaga namang mamamatay ka sa baho at dumi.

    ewwww.

    Geisha: hahahah :D korak! may mga iilan talagang mga asal hayup! sarado kaya yun malamang congested and hangin.. nakakabwisit yung ganun!

    ReplyDelete
  3. As much as possible, I avoid taking LRT, MRT...Why?

    Paranoid ako eh.

    Naiisip ko baka biglang may bomba.

    Seryoso.

    Pag nag MRT ako, tumataas ang presyon ko.

    At nung minsan na hindi ko napigilan sumakay ng MRT, may nag amoy itlog na bulok. At nasuka ako sa baho. Literal na sumuka ako paglabas na paglabas ng tren. :)

    It's a classic.

    Geisha: ei may experience din akong ganyan! tumataas ang level ng paranoia ko pag nasa enclosed spaces ako... (paranoid claustrophobic) ;) ewwwwww... yuckky naman! sarap magmura pag ganun! So far, i never had any traumatic sexperience pa naman sa mrt aside from those mentioned. :)

    ReplyDelete
  4. Hep, ako si eslforyou. Nakalimot ko mag log out eh. Sorry. :)

    ReplyDelete
  5. bwahahaha. buti nlang di ako nag mmrt, pero naipit na kamay ko sa pinto ng lrt, at hindi yung nasa gitna ah (kc merong rubber payun) yung gilid ng door ang nangwalanghhiya sa maganda kong daliri. steel to steel ang laban. mula isang station hanggan sa susunod, tiniiis ko ang malamig at matigas na bakal na humalik sa kamay ko. puta, muntik nag magblue ang mga daliri ko, tpos pulang pula naman kung saan humalik ang pinto, from then on, hindi nako nag lrt or mrt.

    (bago kayo manghusga na tanga ako>>> pasarado na ang pinto ng may humangos na lumabas. naitulak ako, at para hindi mangudngud ang maganda kong mukha, naitukod ko kamay ko sa pinto! biglang bog! sarado na ang pinto, at nasandwich ang daliri ko)araaay!

    Geisha: mayaman ka kasi mare kaya taxi aka lagi! naku ang sakit nun! bakt mo tiniis ang sakit masyado ka namang martir! sana sumigaw ka ng "para" :D

    ReplyDelete
  6. hehehe...enjoyed reading your post. buti na lang wala ka nasagpaan! opps! hehehe.

    ms. beauty just want to let you know i've added your URL sa www.carlotaonline.com

    TAke care ... wala pala akong experience sa MRT..

    Geisha: oi salamat kaayo mare! di bale mare black belter ako. pag sinampal ako sasabunutan ko rin sya!heheheh Thanks for the add. i've added yours too :) uwi ka ng pinas, tour kita sa mrt..hehehhehe :)

    ReplyDelete
  7. Umalis, Pumila, NaLATE

    sa sobrang dami ng tao na bumibyahe sa edsa, parating ang haba ng pila...

    minsan hindi ginagamit ng Pinoy ang utak nila... alam na nilang maraming tao, hindi binubuksan ang mga counter... at may ticket vending machine naman, pandisplay na nga, pampasikip pa.


    bonus na lang pag may nakatabing chikas sa mrt... ung tunay ah.. hindi geisha! ha haha!

    ReplyDelete
  8. hi! cute nmn ng blog mo!

    GEisha: thanks julia :D

    ReplyDelete
  9. ako? yung sumakay ako ng mrt tapos bigla na lang umandar eh hindi pa ako nakakahawak sa hand bar. ayun, mga ilang milya ang ginapang ko mula sa aking kinatatayuan. ang nakakahiya pa, bago ako bumagsak pinilit ko pang abutin yung hand bar, kaso kuko ko lang yung dumampi sa malamig na bakal...
    bumaba akong nakayuko sa mrt....

    Geisha: hahahahhahah... as i imagined it, i cant help but chuckle with matching tears ;) nakakatawa naman..hahhahaha churrii ha... marami na rin kasi akong encounters na ganyan eh.... thanks for dropping by :)

    ReplyDelete
  10. Geisha,salamat sa pagbisita sa blog ko.

    GEisha: walang anuman Anino.. ;)

    ReplyDelete
  11. Geisha,salamat sa pagbisita!Maari bang hingin ang boto mo?

    GEisha: huh? if the price is right why not choconut! joke :D di na kailangan Anino... my vote was already yours :)

    ReplyDelete