batuta



Dalawang bakla  sa isang mamahalin at five star na restaurant.



B1: anong oorderin mo?
B2: hindi ko kabisado foods nila dito eh...wala bang tapsilog dito?
B1: gaga shangrila to. iba naman orderin mo!
B2: cge corn and cream soup and roated lamb.
B1: cge ako caesars salad with olive oil and duck lasagna.

Dumating ang appetizer. Sarap na sarap si B2 sa soup habang si B1 parang kambing na kumakain ng fresh lettuce with olive oil!

B1: pootah! kadiri naman tong kinakain ko! talo ko pa kambing!
B2: buti nga sayo! arte mo kasi!
B1: hmmmmmmm makakabawi rin ako sayo! kala mo ha!

Main course was served.


B1: ang sarap ng food ko mare.
B2: sa akin rin. perst taym ko makatikim ng lamb!
B1: ako naman perst taym ko ang duck. sarap talaga!

Lumapit ang waitress at may hawak na malaking peppermill sabay lapit kay B2.

Waitress: sir, you want pepper?

Sa takot, biglang napatayo si B2. Nabigla rin si waitress at sabay talikod!

B1: bakit ka tumayo? mag sorry ka sa waitress. kawawa naman yung babae!
B2: miss sorry ha. akala ko kasi papaluin mo ko ng batuta!
B1: waaaaahhhhhhhh! apir! kwets na tayo!

Nakakahiya!


Cge pagtawanan nyo kami! Bwahahahahahhahah :D

Post a Comment

22 Comments

  1. ahahaha! mukha ngang batuta yung lalagyan nila ng pepper...
    wala lang, gusto ko lang mag-comment...

    GEisha: hahahha :) thanks sa pagdaan pogi! :)

    ReplyDelete
  2. Halo, doing my rounds today and checking what's new here.

    Geisha: thanks for the visit mommy :) ang daming bago mommy...nag offer na ako ngayon ng lending..hihihihihi ;)

    ReplyDelete
  3. haha! natatawa nga ako. haha!:D

    Geisha: hahahhahaha salamat sa pagdaan :)

    ReplyDelete
  4. wahahahahaahahahahha....as in bwahahahah..

    ayan, tumawa na ko!! lolz!

    pwede na yun. sus, at least may nakakahiyang moment sa 9 lives mo, gaga!..nyahaahh!

    GEisha: buti na lang mare di nagpanic at nambugbog! bka kinaladkad kami palabas ! :)

    ReplyDelete
  5. Hi. This blog is nominated for the Filipino Blog of the Week award (week 97). Please visit the site and vote.

    GEisha: toinks! hehehehehhe salamat! sigurado walang boboto sa akin! :(

    ReplyDelete
  6. hirap talaga kumain sa mga ganyang restawran.. hahaha!!!

    Geisha:
    hahah sinabi mo pa!

    ReplyDelete
  7. naku, bukas asa shang ako.

    buti na lang at nabasa ko to, at least hindi na ako matatakot kung may lalapit sa akin may hawak na batuta. :)

    GEisha: hahahahha.... may ka date ka noh? ;) nakakagulat naman kasi yung waitress nilang galing beywang ang slit ng skirt! try mo sa RED (makati shang) waitress pa lang ulam na! :)

    ReplyDelete
  8. hahahaha! hirap naman talaga sa shangrila and the likes! hehe. :)

    nga pala ni-add na kita sa links ko! boto mo din ako ha? hehe salamat :)


    GEisha:<em> oi salamat sa pagdaan mare! :D vote din kita for sure! :D at add rin kita :D

    ReplyDelete
  9. hala. sino kasama mo???


    waaaaahhhhhhhhh.


    bakit ganun kulay nio? anak araw na camera na ginamit nio?

    inggit nman ako, hindi pa rin ako nakakakain ng duck (kalapati oo)
    tsaka lamb (kambing lang)

    GEisha: si ano yung friend ko..heheheh :D para may privacy.. :lol: kalapati? masarap ba yun? wildest ever ko naman bayawak! :P

    ReplyDelete
  10. ikaw iyon..?
    hahahahahahahahahaha..!
    sino kasama mo..?
    nakaka loka..!
    about the meet up..?
    set nyo..!
    kailan..?
    saan..?
    tell me lang..!
    para mai handa ko ang mga boys..!
    :D

    GEisha: hahahahah... naman!...
    nakakalourka talaga....
    kasama ko friend ko...
    cge...
    set namin ni clio...
    para naman magkita-kita tayo...
    bago ako ma-deport dito sa manila!
    email ka na lang namin...
    sa iterinary...
    sa lugar..
    sa events...
    sa date...
    at uu!..
    kelangan may bois! :)

    ReplyDelete
  11. hahahahahhahahahah.....

    Geisha: chehhhhhhhhhh!

    ReplyDelete
  12. pwede ko ba i-take out yung waitress?

    Pag bumalik ka dun, tanong mo kung gusto nila maging scholar ng TBF. TapsiBoy Foundation.

    GEisha: hahahah hindi ko alam :( baka pwede pag ikaw mag take out! :) pano ba sumali sa TBF ;)

    ReplyDelete
  13. nyahahaha.. nakakahiya kayo! wahaha :P

    Geisha: cheeeehhh! :p charged to experience na lang :lol:

    ReplyDelete
  14. nakaka enjoy naman d2 hehehe

    GEisha: wait! nasa blogroll na ba kita? :)

    ReplyDelete
  15. nyahahaha :lol: kwets nga!

    neks taym mare, padalhin mo sya batya, panangga :lol: hehe

    GEisha: hahahaha uu nga mare! hanglaki naman kasi ng peppermill mare.. ako rin naman nagulat pero demure kasi katabi ng table namin si sen. anggara at imelda marcos!hehehehe :D

    ReplyDelete
  16. yang peppermill akala ko dati yan yung nawawalang piraso ng tungkod sa hagdan namin nun e.

    Geisha: hahhahahahaha tungkod talaga? ayus ah.. sana nag-iwan ka ng footprints para masundan kita.. para naman masuli ko ang tungkod na yun :)

    ReplyDelete
  17. i like peppermills. mukhang sosyal eh! :p

    mukha nga lang batuta. hehehe!

    i love lamb... mmm... mint sauce...

    Geisha: heheheh :) socialite ka talaga... hahahhaah sarap ng lamb dun.. pati buto ang sarap.. teka parang gusto kong kumain uli ng lamb ah...hmmmmmmmmm :)

    ReplyDelete
  18. pasensya na wala ako blog, hindi ako nagbablog kasi wala ako maisip na idea, pinilit lang ako ng friend kong siVerPo na magcomment sa blog nya para magkaron daw ng buhay..pero ang totoong usapan namin, 2,000 kada buwan kaya nga ampapangit ng comment ko sa kanya kasi wala pa kong natatanggap.. hindi nga ako makapag-advance sa kanya e...

    GEisha: hahhahahaha gawa ka na kasi! astig talaga tong si verna nanghatak pa ng fans sa blog nya! nyahahahahha ayus ah.. sana ako rin may kumuha sa akin para magka xtra money naman ako... sabihin mo kay verpo bayaran din nya ako..heheheheh... singilin mo sya.. mapera yun! panay travel nga yung gaga eh :)

    ReplyDelete
  19. oiwst! Kat! kala ko exclusive ka sakin?! :)

    ReplyDelete
  20. hahahahaha! kakalorkey! lol! :D nice one. ;)

    GEisha: shhhhhhhhhh wag ka maingay kakahiya :)

    ReplyDelete
  21. [...] Kahit may mga gabing tigang ako, kinagat pa rin nila. Nakisaya rin sila sa mga kapalpakan ,  bloopers or kagagahan na aking ginawa. May mga times din na super emote ako. Yung tipong naalala ko yung [...]

    ReplyDelete