Summer outing part 2

Natapos na rin ang aking pinakahihintay na company outing.


Natapos na hindi ko man lang nakamayan or nalaman man lang ang tunay na pangalan ng aking prospect na lalaking ibabahay! :lol: Natapos na punong-puno ng saya, ligaya, mura (nagmumurang dedee) at sakit ng katawan! Ang daming masasayang eksena, nakakatawang mga moments, mga flop na sandali at meron din namang embarassing monuments!


Binaybay namin ang kahabaan ng kalyeng ewan patungong Island Cove sa Cavite na walang tulog at lupaypay sa trabaho. If not for my reservation, i should've not joined the summer outing. Kung bakit pa kasi ako nagpareserve na compromise pa tuloy ang aking pinsan na ihahatid dapat sa airport. Sempre uunahin ko ang reservation ko if not kasi, magbabayad ako ng 3/4 of a thousand pesos for my absence!


To cut it short, dumating kami dun sa venue ng bonggang-bongga! The welcome party was composed of salot na mga batang bakla na hindi marunong magtupi ng kanilang betlogs! Nagmukha tuloy silang kabayong hermaphrodite while dancing to some ethnic moves! Poor katutubo! (hehehe)! And of course, dun na rin naiserve ang nabanggit kong One serving of soft/silken tofu with brown sugar syrup and tapioca pearls!


Speaking of kabayo, unang hinanap ko right after i was handed with the map was horseback riding! Siguro because of interest and prominence! Kabayo rin kasi ang aking kasamang isa at mejo prominent ang kanilang hayup na nasa safari! Kaya naman kahit tirik ang araw sa kalagitnaan ng tanghali, tinungo namin ang kanilang mga hotspot.


First stop, the butterly park! Pinangalan sa butterfly na wala naman akong nakita kahit isa! Tsaka allergic ako sa mga bulaklak kaya sunod naming pinuntahan ang mga hayup sa gubat. Dun ko niyakap ang tigreng si jasmin. Muntik pa kaming maging abo nung umihi ang mga tigers. Next stop namin ang mga mabantot na ostrich, ang amoy putik na pato at ang mga mababahong kambing at karnero.


We made our final walk at the crocodile farm adjacent to the race track ng mga kabayong bakla! Dito ko nakita ang mga kamag-anak ni Roel na buwaya at unggoy! He felt so happy looking at his ancestors! I can't help but hug that little lacoste! O di ba shalan! Buwaya lang po! :lol:


We had lunch, naglaro ng volleyball, nagswimming, nakipaglandian, nag-inuman, nakipagbakbakan sa mga contest, nakipagbiritan sa bidyoke, at higit sa lahat rumampa ng nakabikini!


Pero hindi ko nakompleto ang kaligayahan ko. Hindi ko man lang nakilala ng formal ang crush ko. Nakikita ko sa gilid na aking mga mata na nakatingin sya sa akin pero dahil dalagang pilipina ako, pinili kong maging reserve, prim and proper (kahit gusto ko ng maglandi)! Hanggang sa naging partner ko sa kayak contest at nging inspirasyon ko para sumagwan ng bonggang-bongga! Hanggang tingin na naman ako nito at pantasya! Umaasa, maghihintay ng pagkakataon na magkikita kaming muli, hanggang sa umibig, umibig at umibig sa WALA! (haayy pag-ibig lumalabas pagiging makata ko sa 'yo pakyu!)


Ayoko na maging bakla! Saloooot!

Post a Comment

13 Comments

  1. Halika, i-stalk natin, kuhanan natin ng buhok para maguyuma ko. para sayo na uminog ang buhay nia. bwahahahha,
    hanggang ngayon naiingit parin ako, bakit kc sa mundo namin walang ganyan, bwahahahha

    GEisha: nyahahahha lokaret ka talaga! wag mo namang ipaalam nma may lahing mangkukulam ka.. atin atin alng yun!@ :lol: lilipas din ito mare.. infatuation lang to! lol

    ReplyDelete
  2. Newbie po ako dito pwede po ba xlinks tayo? friend po me ni mix glorioso.

    Wow!! Mukhang ang saya ng outing niyo.. Siguro mahal ng budget niyo.. :-)

    Geisha: hi emoboy! welcome sa WP. sure i'll link you up!

    ReplyDelete
  3. mukha kang lalaki dyan mare..ahhaha....magpakalalaki ka nalang kasi eh!ayan tuloy@lols

    Geisha: hayuuuf! lalaki ka jan! bakla ako.. bakla! lols

    ReplyDelete
  4. lalaking ibabahay? ahahaha! potek natawa ako don! :))
    dapat kasi naglandi ka na. sa panahon ngayon, hindi na uso ang dalagang pilipina! :)

    GEisha: hahhaha napaisip ako dun ah! sana pala naglandi na lang ako! tenk you! :lol:

    ReplyDelete
  5. wahaha!!eh ano gusto mo, tomboy???lol...peace \m/

    Geisha: hahhahahah jusko! wag na lang! mag madre na lang ako :lol:

    ReplyDelete
  6. di nga ayaw mo ng maging bakla? may papakilala ako sa iyong chick, hehehe! nasan yung photo na naka bikini? :)

    GEisha: nyahahahha tenk you mare... pero pag-isipan ko muna! tinago ko yung pic bka kasi ma delete ang blog ko nang dahil dun! :lol:

    ReplyDelete
  7. yan ang napala mo! dahil sa gusto mo maging prim and proper di mo nakilala ng husto si crush mo! di mo kasi kami hinatak sa outing na yan... eh di sana napakilala kita. LOL! wala lang... gusto ko lang sabihin yan.

    Geisha: sana andito ka gaga ka! para ikaw naging proxy ko! malandi ka ksi! :lol: di bale mare kukunan ko sya ng pic for you!

    ReplyDelete
  8. inde na uso mga reserve ngayon! :D

    ReplyDelete
  9. cheeehhhhh! :p eh bakit ba reserve ako eh! :lol:
    haayy nako rain, fee ko lang talaga maging mahinhin that time! hehehhe

    ReplyDelete
  10. mabuhay ang mga reserve!

    mabuhay tayo!

    chicka! :)

    ReplyDelete
  11. mabuhay ang mga reserve!

    mabuhay tayo!

    chicka! :)

    GEisha: Anong tayo? ako lang! cheehhhh!

    ReplyDelete
  12. hahahahah...u never fail to make me smile! nakatuwang magbasa ng mga posts mo..

    add po kita sa blog roll ko! :)

    ReplyDelete
  13. ayaw mo nang maging bakla...
    gusto mo nang maging isang ganap na babae...corrected?

    ReplyDelete