Time travels so fast.
I have a hard time absorbing all the heterogeneous emotions and feelings right now.
Exactly two years ago, I embarked on a journey that has been a milestone for humankind. It’s history in the making for me, being the first Geisha to set foot on the Sun. Chozzz! (masyadong eksaj).
After sleepless nights of contemplation, weighing the pros and cons, and grasp the message of excitement and independence, I finally decided to open up the thought that’s been bothering me to my parents.
Geisha: Ma, i’ll leave tonight for Manila.
Mom: What? Are you crazy?
Geisha: Partly, Yes!
Mom: Ano gagawin mo dun?
Geisha: Hahanapin ko ang tunay kong mga magulang! sabay iyak ala Judy Ann
Mom: Tumigil kang bakla ka! Sagutin mo ko!
Geisha: Work. I’m gonna find myself there baka sakaling mahanap ko. Heehhehe
Mom: Manlalalaki ka lang dun!
Geisha: If I’ll do that, bakit dun pa? Marami namang titi dito! Limang piso isang tumpok! Cge nga!
Mom: No way! Hindi kita bibigyan ng pamasahe!
Geisha: Goodluck! May ticket na ‘ko!
Mom: Talk to your dad.
Sa haba-haba man ng prosisyon sa pier din ako natuloy! Via Cebu ang ticket ko para makagala naman kahit papano. Walang malinamnam na tanawin sa barko! Lahat ng pasahero at crew mga dugyot! Pero keri lang dahil sa next trip na lang ako rarampa!
Gustuhin ko mang magliwaliw sa Cebu, pumigil sa akin ang aking kaartehang mabilad sa araw at mapuno ng alikabok ang aking ilong kaya as early as 8AM nasa loob na ako ng ship bound for Manila. Departure time is 8PM kaya mahaba-haba ang oras ko para mag charge for the nights rampa!
Maraming magagandang tanawin sa loob. At marami-rami ring mga lugar ng kalaswaan. Pinasukan ko ang lahat pati cabin ng mga marino. lols. Yung sinehan, disco, coffee shop, videoke bar, chapel at pool area para malibang.
Pero front ko lang yun as usual. Hindi pa rin maalis ang isip ko sa mga taong pilit kong iniwan sa paghahanap ng lalaki kapalaran. Sa parents kong hindi matanggap ang aking pag-alis dahil mawawalan sila ng unico hijo sa bahay. Sa mga staff at katrabaho ko sa university publication for leaving them hanging with what’s not and what to. At higit sa lahat sa mga kapatid kong bilat dahil mawawalan sila ng protective na kuya slash ate at wala na ring mag-aayus sa kanilang buhok at mukha.
Sa bawat birit ko ng “i will survive” sa videoke bar ng barko, pinagdadasal ko rin na sana ay malampasan ko rin ang anumang hamon at pagsubok na naghihintay sa akin sa pupuntahan ko. Malayo pa rin ang tingin ko na kahit screen ng jukebox ang nasa harap ko ay tila wala dun ang isip. Patuloy lang ako sa pagkanta. Sa paglilibang sa sarili at ang mga nakakabinging palakpakan slash insulto ng mga hunghang na wala sa tono ang tanging nagpapabalik sa akin sa tamang katinuan.
Dalawang taon na ang lumipas.
Ang dami kong na miss sa family ko. Ang kulitan naming magkakapatid at ang amoy ng hanging probinsya na malayo sa polusyon at ingay ng mga rumaragasang bus! Meron man akong pinagsisihan sa aking paglisan (?) yun ay dahil wala ako sa aniversario de muerte ng kapatid ko. Wala ako nung naglandi ang kapatid ko. I should’ve slapped her and subsob her sa canal with his boypren when i learned that she’s pregnant but i was not there to do that. Magkakalitid man ako sa pagmumura ko sa kanya sa fon wa epek pa ri yun. Wala ako nung nagkaroon ako ng pamangkin. At wala ako nung kelangan nila ang gabay ng isang kapatid, kaibigan, kamag-anak, kapamilya, kapuso, kalabaw, kamias, kamatis, kamagong, kabaong, katol….
Pero kinaya ko ang lahat. Psychologically tortured man ako sa twing tatawag sila’t may problemang naka insert sa bawat “kumusta” at “ingat ka”, kinaya ko pa rin ang lahat kaya’t tumagal ako ng ganito. Naranasan kong mamuhay kasama ang mga taong hindi ko kilala at mga taong itinuring akong kaibigan at kapamilya. Naranasan kong magutom, mabusog, mapuyat at mapagod pero hindi ako sumusuko sa laban na pinili ko (nganong mi enter).
For two years natuto akong umibig, umasa at mabigo. Tumayo sa sarili kong mga paa at kamay. I’ve learned to be independent in its truest sense and reap the fruits of it. And these are the experiences that I can make my momma proud. The experiences which I’m sure wala pa sa kalingkingan sa pwede ko pang maranasan while I stayed here.
And for two years, I can say that I’ve survived the toughest battle of existence every living thing had been trying to achieve. The survival of the fittest in this jungle called Manila.
At sa aking pag-uwi (hopefully soon) ako’y nagbabalik tanaw sa huli naming pag-uusap ni mama.
Mom: Manlalalaki ka lang dun!
Geisha: Hindi lang po ako nanlalalaki, nambababae din po!
Yuckkkkk.. ewwwwwwwww!
0 Comments