my version of Jolibee Scandal

I was so tipsy and exhausted from work today. But because of some inevitable engagements, i have to keep my eyes open my feet strong to withstand antok at pagod. Para na rin hindi ako magmukhang sinungaling.

Kaya naman, kahit kararating ko lang sa bahay at wala pang kain, nag-abang na agad ako ng taxi kasama ang chakang si Mj para ma dispose ko na sya sa airport papuntang Japan! Halos isang oras din kaming nag-abang ng taxi sa kahabaan ng kalayaan avenue bago kami nakasakay. Dagdag pagod point for me na naging muchacho slash muchacha ng bruha!

Kulang na lang paliparin namin ang taxi sa flyover ng EDSA (na tinawag nyang overpass) para makahabol sa flight nya. 9:45 boarding time na dapat, buti na lang pinapasok pa sya ng gwardya! Pinapasok ko kaagad ang bruha sa airport at hinayaang maligaw para maiwan ng eroplano. (hehehe am bad!)

Nakahinga na rin ako ng maluwag.

At dahil sa sobrang kakuriputan, minabuti ko ng mag bus galing airport pauwi. Sa sobrang antok, hindi ko na napansin ang labas masok na mga tao sa bus papuntang cubao. Hindi ko na rin alam kung naglalaway ako or humihilik sa sobrang pagod. Sa awa ng diyos hindi ako lumagpas sa tulay!

Pagbaba ko ng bus, una ko inisip ang aking naghihimagsik na bulate sa tyan dahil sa matinding gutom! It was like africa in the making with my stomach starving plus the scorching heat of the sun and the pungent smells of kilikili ng mga timawa all over (lol)! Tinungo ko agad ang isang fastfood resto para omorder ng makakain. Subalit dahil sa hiya, tinike-out ko na lang!

Crew: Sir what’s your order?
GEisha: Burger Mcdo meal, ice tea and Go for large.
Crew: (naguguluhan at tipong nabingi sa narinig nya) ahhh ano po ulit Sir?
Geisha: (bingi ka ba or tanga?) Burger Mcdo meal, ice tea and Go for large.
Crew: Sir dun po sa kabila ang Mcdo. Jolibee po ito!

Para akong binuhusan ng arinolang puno ng ihi kinagabihan! Hiyang-hiya ako sa gwapo na crew!
Buti na lang natakpan ng shades ang aking mukha!

Pero aaminin ko! Gusto ko talaga sa Mcdo pero sa sobrang antok hindi ko alam na Jolibee pala napasukan ko! (los palusot!)

Kaya naman, isang malutong na “take out” with matching P.I. ang sinabi ko sa crew nung tinanong nya ko:

Maam, dine in or take out?

Post a Comment

0 Comments