my Mom raised me well




May mga karanasang nais nating kalimutan, nais nating ibaon  at higit sa lahat nais nating mabura sa ating kaisipan! Ito ang mga karanasang nagdulot ng matinding sakit, pighati at sugat sa ating mga puso't damdamin. Subalit may iilang sugat na nagturo sa atin upang lumaban at maging matapang sa buhay, maging mapagmatyag, maingat at dasal na sanay hindi na maulit ang karansang nagdulot nito.



Makailang beses na ring naging takbuhan ng mga taong tinuring kong kaibigan ang aking kwartong inuupahan. Sa twing wala silang matulugan, gustong magkaroon ng karamay sa problema, nagsisimula ng bagong buhay at naghahanap ng trabaho sa Manila. Tinaggap ko sila bilang tao, pinalamon, tinulungan kung pano mag commute, sumakay ng jeep at mrt, at hinatid sa pier at airport. Ang pagkakaroon ng utang na loob ay isang mabuting ugali subalit madalas naabuso ito ng Pinoy at nagiging sanhi ng kasamaan. Wala akong hinihinging kapalit sa tulong ko. Ginawa ko iyon dahil naranasan ko ring mangapa at maligaw sa mga pasikot-sikot dito at higit sa lahat dahil may maitutulong ako. Hindi ko pinagkaila iyon. Saksi ang aking kwartong naging lugar ng iyakan at tawanan.


Subalit may mga taong hayup ang asal. Yung tipong pagkatapos mong subuan, pati siko mo ay kinain. Mga taong pagtalikod mo ay sinisiraan ka at sinasaksak ka ng samurai sa likod. Mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sa pag-aaral ko ng psychology, hindi na bago sa akin ang ganitong ugali. Laking pasalamat ko na lang na pinalaki ako ng mga magulang ko ng maayos at may takot sa diyos. Pinalaki kaming magkakapatid ng matiwasay at kailanman ay hindi naranasang manggamit ng ibang tao para lang magkalaman ang tyan at mabili ang luho sa buhay. Hindi kami naghahangad ng lechon kung ang nakahain ay tuyo! 


Gayunpaman, hangad kong maisip nila na ang kanilang ginagawa ay masama. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Hindi ko man mabago ang kanilang ugali, pinagdarasal ko pa rin na maging totoo silang tao. Hindi ako nagmamalinis at lalong hindi ako nagmamaganda (dahil maganda na ako). I knew from the very start that I can't please everyone.


Pero sana man lang kung mandaut ka, siguraduhin mong hindi makakarating sa aking tenga ang mga salitang walang katotohanan at pawang pagpapaawa lang para tanggapin ka ng ibang tao.


You just don't realized the troubles you've caused me! And one more thing, kahit ang pagkakaibigan ay pwedeng ring ibaon sa limot!


Your attitude sucks! It belongs to the forest where the basic instict is to kill!

Post a Comment

0 Comments