ang alamat ng construction worker

Cenxa na po nasobrahan ako sa hiatus! heheheh... :D


Sa wakas luto na rin ang Rainbow Bloggers Philippines. Ito ay isang organisasyon ng mga pinoy gay bloggers all over the world. At dahil straight ako, sumali ako sa kanila hindi upang makahanap ng boylet kundi because of it's pious purpose. Hopefully, hindi ito matulad ng isang miss gay pageant na ang tanging hangad ng mga kalahok ay merely competition, unhealthy competition to be specific. Like pagandahan, pahabaan ng hair, pagandahan ng fantasy attire or pa bonggahan ng introductory piece! But i guess none of those mentioned are part our goals.


Minalas ako sa wishlist ko. huhuhuhu :( Hindi ako ang nagwagi sa raffle. Pero keri lang. Sana sa pa raffle ng team ay maiuwi ko ang Asus Eee PC or MSI Wind or kahit yung 5K worth of gift certificate! Pray nyo ko ha.. Heehehheheh :lol:



May iilan pa rin na hindi na gets ang JERVO.
Hindi naman kasi lahat naka experience ng jervo. Iilan lang naman cgro sa inyo na try ang ganun. Ang salitang jervo ay walang proper etymology. Or better still, wala akong maisip or makitang record kung bakit jervo ang tawag sa kanila. Nauso ito 5 years ago when i was still 30 years old (hulaan nyo edad ko ngayon!). Ang salitang iyan ay equivalent ng mga serbis. Mga lalaking nag pu-public service sa kalagitnaan ng dilim! Nagbebenta ng panadaliang aliw! Awooooooooowww! :D

Gay lingo has been a part of our culture. Over the years, its one of the most dynamic and progressive language used by mostly gaymen and gay women. May mga revisions sa mga ibang words, meron din namang steady lang at naging classic na! Pero wag nyo kong pagsalitain ng tagalog dahil illiterate pa rin ako sa tagalog version nito. Wala itong definite formula. Madalas whatever word that sound like the term to be conveyed ay syang laging nagagamit. Like karma into carmi martin!


Sa gay lingo ng mga bisaya (fluent ako nito dati), may mga changes din over the past years. Some bisaya words have been adopted by tagalogs pertaining to a certain description. Example nito ay ang salitang mandaut na kung gagamitin sa tagalog ay namimintas. In its proper visayan context, mandadaut is equivalent to mangkukulam! Take note, mangkukulam!


Sa aking palagay, merong definite formula ang gay lingo ng mga bisaya. Ito ay pagbaliktad ng isang word, isang sentence hanggang sa maging spoken language na sha! Pero bago kayo matuto ng salitang iyon ay kelangan nyo munang matutunan ang pinaka root word ng lahat. And that is the Visayan language. Gusto nyo ng sample? OK! Since ginamit na natin ang salitang 'mandaut', here is a classic example on how diverse this language is.


Lets start from scratch! :lol:


Sa mga bisaya, ang tawag sayo pag naninira ka ng tao ay 'libakira' from the root word 'libak'. We will now extract the root word and convert it into gay lingo. From 'libak' it will now become 'kabil'. And presto! Pwede mo na shang gamitin. Pero di nagtagal naging overused and salitang ito. Kahit tindera ng isda ay alam na ang salitang ito. Maging ang mga insekto sa bukid ay alam na rin kung ano angs alitang "kabil". Kaya next mission ng baklush plato mission ay gawing kakaiba ang word without changing its initial meaning. And here comes the next phase of the so called word dynamics. (ano daw?)


Mula sa salitang ugat na 'kabil', dinagdagan ito ng mga punyetang bakla ng hunlaping 'ya'. Kaya naman, ang dating 'kabil' ngayo'y 'kabilya' na! Ang ibig sabihin ng 'kabilya' sa salitang tagalog ay bakal. And from then on, kumukunti na ang nakakaalam sa ibig sabihin ng salitang iyon. Pero di nagtagal, unti-unti na ring nakakaalam ang mga tao sa nais ipahiwatig ng mga baklita pag narinig nila ang salitang ito. Kaya nag-iisip na naman sila ng pwedeng ipalit sa salitang ito. And this time, may solid etymology na ang word. Since or bakal ay gamit sa paggawa ng bahay, at ang gumagawa ng bahay ay mga construction worker, the noun (construction worker) was directly used to refer people who are mandadaut.


At dun nagsimula ang mga construction workers! Are you one of them?


Post a Comment

1 Comments

  1. nakakatuwa naman. biruin mo yun may formula pala ang mga gay lingo. hehe!

    thanks for dropping my site nga pala... cool site you have here too.

    peace out, mate!

    ReplyDelete