facing death twice in a row

As of this writing, my hands are still trembling with fear and trauma. As i felt my lungs pumping air and my heart still with blood, I always say "thank God, i'm alive"!


I was on my afternoon siesta when i heard Ken calling for help. Magkatabi lang ang bahay namin. Sumisigaw pa rin sya. Animoy walang narinig ang ibang kapitbahay. Sa lugar kasi namin kahit dikit-dikit ang mga bahay ay walang pakialamanan ang mga tao. Pati pag hingi ng saklolo ay hindi ka pa rin iniintindi. Kahit pa siguro nangisay ka na ay tipong sisilipin ka lang. Ganun sila. Ganun yung iba! Tsaka na sila tatakbo at matauhan pag sisigaw ka ng SUNOG! Yun lang ang sinasaklolohan nila!


Narinig ko ang walong buwang buntis na si Annie. Asawa ni Ken. Nahihirapan ang boses, Nasasaktan. Naisip ko, hindi pa nya kabuwanan next month pa. Pero unti-unting nag sink sa utak ko na pwede rin namang manganak ng premature! Lumabas ako ng bahay at gate pa lang ay nakikita ko na si Ken na akay-akay ang buntis nyang asawa. I rushed at their doorstep to help. Pero dahil tarantada ako, mas nauna pko sa kotse. Wala lang, para buksan lang ang pintuan ng kotse.



Umiiyak pa rin si Annie habang inalalayan ko ang likod nya. Namimilipit sya sa sakit ng pagkakadulas nya. Gusto ko sanang e-suggest sa kanya na takpan ang bunganga ng lagusan ni juan dahil baka any monument ay lalabas ang baby nya. Hindi na ko nagsalita. Bka magmukha pang comedy ang eksena. Tensyonado kami sa loob ng kotse papuntang Makati Med. Bugbog sarado ako sa pawis. Naiingayan man ako sa busina ng kotse eh wala akong magagawa. mabuti na rin yun keysa wang-wang ng ambulansya na sakit sa tenga!


Hindi pa kami nakalabas ng Edsa ay sinalubong na kami ni Satanas. Sa biglang pula ng traffic light, muntik na kaming makadisgrasya. Actually hindi sha muntikan dahil nabunggo namin ang revo! Pero kivs pa rin ang lahat. Tuloy pa rin ang aming takbo hanggang sa marating namin ang bumper to bumber na buendia. Siksikan, gitgitan sa traffic. Preno dito preno doon. Kasabay nga ingay ng mga sasakyan ang ingay ni Annie sa loob habang tinitiis ang sakit ng kanyang likod at balakang. For the third time, muntik na naman naming mabundol ang kotse sa aming harapan. Nagulat kami ng biglang sumigaw si Annie. Kahit pala masakit ang likod nya ay conscious rin pala sha sa mga nangyayari sa daan.


"Wag nyong banggain yan, Ford yan"

At marunong pa syang kumilatis ng kotseng mas mahal pa sa sinakyan namin! Tinahak namin ang Buendia at nakipagsiksikan sa afternoon rush sabay kaliwa sa Paseo at kanan sa Ayala. Timing na timing at may motorcade. At dahil emergency nga ang mga hitsura namin while talking to the Mapsa (mga pulis patola ng makati) para mag full stop ang motorcade, madali naman nilang napigil ang parada para dumaan kami. Ok na sana ang script ng biglang may sumulpot na taxi sa harap namin. Tumilapon ako sa inuupuan ko at muntik ng lumusot sa windshield. Nabitawan ko ang buntis. Tumigil saglit ang mundo. Pati mga tao nagsimula ng maki-usyuso. Nagsalita si Annie. Natauhan kaming lahat. Itatakbo nga pala namin sha sa ospital. Deadmahan na to. Hindi namin pinansin ang bumangga sa amin at humarurot na naman ng takbo ang sasakyan. Nawala bigla ang poise at victorian composure ko. Napalitan ng kung anong maton. Siguro nga totoo ang sabi nilang i-am-not-so-geisha! Pero may explaination ako dun to refute that thought! Lets call it adrenaline rush! Naks!


Bonggang-bongga ang takbuhan at panic namin. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa daan. Hindi pa rin maalis sa utak ko ang mga nasaktan or baka meron kaming nasagasaan or nakaladkad at patay. Pero inalis ko yun sa utak ko. I have to think positive. At hindi ako dapat mag-alala ng bonggang-bongga dahil hindi naman ako ang nakabuntis sa kanya. Pero concern ako sa baby dahil one month from now ay may bago na namang tatawag sa akin ng 'ninang'.


Natapos ang mga check-ups at proper procedure. Safe naman daw. Ipapa-X-ray daw kaya baba muna kami para mag yosi. Pero muntik na naming malunok ang isang stick ng yosi. Pinaghahanap na pala kami ng mga alagad ng batas. At ang bonggang-bonggang complainant ay ang taxi na sya pang bumangga sa amin. After giving our propositions and arguments. After refuting the fallacies spoken by the taxi driver, nagkaayos din ang lahat. Thank God at mabait ang mga Mapsa! Akalain mo yun?


Sa awa ng Diyos ay naging ok na rin ang lahat. Ang baby, ang mommy at ang kotse dahil kunti lang ang damage at nadamage. Pero hindi ako ok. Nagmukha akong baklang natalo sa mahjong sa hitsura ko. Kaya pala lamig na lamig ako sa loob ng ospital. Kaya pala nanginginig ako. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao. Kaya pala nakangiti lahat ng madaanan ko.


Naka puke shorts lang pala ako at sando.


At hindi pares and tsinelas ko!


Sana nilamon na lang ako ng lupa!

Post a Comment

4 Comments

  1. halos tumambling ako sa kakatawa sa istorya mo ha... pero i am very proud of you kasi kahit naka-pookie shorts at sando ka... kahit di magkapares ang tsinelas mo.... nagawa mo pa ring tumulong sa kapwa tao mo.... for that eh dapat kang bigyan ng bonggang-bonggang award ni Rosa Rosal sa pagkakawang-gawa

    ReplyDelete
  2. Ninang!

    Okay naman ang mapsa kapag may emergency, pero di sila okay kapag gutom.

    ReplyDelete
  3. hehehe two thumbs up! sige sila tutok gurl kay bilib sila sa imo kay dili nila kaya magpuke shorts in public!

    ReplyDelete
  4. [...] Nakwento ko nga pala one time sa blog ko, yung post traumatic (may ganun!) experience ko nung isang ... Yun yung time na muntik na kaming mabangga at maligo sa sarili naming dugo at utak sa gitna ng shaln na kalye ng ayala. Yun di yung time na mas ginusto ko pang lamunin na lang ako ng lupa keysa mabuhay ng walang ulo at paa! Pero dahil makapal ang foundation ni geisha, kinaya ko po sha ng bonggang-bongga. Utang ko sa nag imbento ng foundation ng mukha ang pangalawang buhay ko. At ang buhay ni Kino. Yes Maritess! Nanganak na finally si Annie. At napawi po ang lungkot ng mag-asawa nung nalamang normal at masigla ang kanilang second child named Kino na soon to be ay tatawag sa aking ninang Geisha! BOngga di ba? [...]

    ReplyDelete