Farewell sa mga taong naging saksi kung pano ako maging irate at magmaldita. Wala na kayong maririnig na sarcasm sa mga bobong hindi marunong mag measure ng kanilang beywang.
Farewell sa landlady kong nakadiscover sa aking talent sa pagkanta at vertical split. The challenges you've given me made me a productive person and a subject for other people's ire. Salamat sa tiwala. I was able to prove and showed my long lost dedication, passion and etchos! I've learned a lot from your existence. Am gonna keep all of those for future use and reference! YESSSS!
Farewell sa mga kabagang ko twing aftershift. Am gonna miss our lakad at kainan after shift lalo na pag maraming pera. At sa mga lakad-lakad nalang pag petsa de peligro!
Farewell sa badminton sessions. Baka hindi ko na ma-maintain figure ko. Baka pag naglaro ako ulit matulad ako kay constante! Heeehehehe :D
Farewell sa mga taong bitter sa kagandahan ko! Hindi ko man kayo napatay but this time i'd totally get rid of you all. Am sure insecure pa rin kayo sa hair ko na hanggang NEw York ang haba! Wala na kayong ise-send na incident report pag nagyosi ako or nag starbucks ako to take my breaks and lunches. Hindi nyo na rin mabibilang ang dami ng mga parokyano ko na sa kabila ng lahat ay naisip nyo pa rin na pumipitik ako. Wala kayong childhood! Go to your moms and ask them to teach you some pious manners bitch!
Farewell sa upuan kong walang nagtangkang umupo. May sumpa kasi yan! Love you guys!
Sa mga nakausap kong mababait at walang attitude problem, salamat sa inyong pacensha. Sa mga taong hindi naniniwala sa policy at procedure, bahala kayo sa buhay nyo!
Sana goodbye lang ang lahat! Pero hindi! Masakit ang katotohanang farewell na talaga. Its probably a blessing in disguise and an eye opener to people who despite the good things that happened eh mas pinili pa rin nilang mag rant at magreklamo! You should've counted your blessings instead!
I hope for the best!
Rosing and friends, magkikita pa rin naman tayo. Pag sinabing kape, alam mo na kung saan yun. Pag sinabing breakfast, Via Mare yun! eheheheh Pag nagtitipid, Food Choices yun! hahahahha :D
Salamat sa moments. I am forever thankful na pinahiram kayo ng God nyo sa akin. Your memories, good and bad will remain in my heart and will be kept till my cremation (punta kayo ha!).
For now, busi-bisihan muna ako para mag outsource ng bago kong product. Sana tangkilikin nyo pa rin ang bago kong job description.
Geisha is now an Ukay Vendor!
0 Comments