maling akala

Excerpts from Oten Monologue (chozz lang)

Akala ko ok na ko sa ganito.


Simpleng petiks, simpleng tawanan, tamang bonding. Misan tamang adik, tamang antok at tamang lasing.


Akala ko walang katapusan tawanan natin. Kahit may mga aggravating and mitigating factors kala ko ok ka pa rin. Kala ko ok ako.


Inabsorb ko at pinakinggan lahat ng mga sinasabi nila. Hindi ko sila pinaniniwalaan sa twing nilalait ka dahil alam ko kung ano at sino ka. Simula pa lang alam ko na na mahuhumaling ako sayu. Sobrang gaan ng loob ko sayu.


Hindi ko makakalimutan nung una mo kong pinatawa. Nung una mo kong pinasaya. Hindi mo alam kung gano ako kasaya nun. Halos ipagsigawan ko sa buong Japan na masaya ako. Na sobrang saya ko. Dahil sayo.


Nung una akala ko transparent ako. Hindi pala. Masakit pala sha noh? Nararamdaman mo kaya yun? Or mahilig ka talaga sa ganung factor? OK lang.. OK lang ako! Don't mind me. Kaya ko 'to.


Tapos na ko sa denial stage. Am over it! I know i can handle it well better than you are. Dont worry, am here to assist!


Pagtawanan nyo ko! Laitin nyo ko mga daut kayo. Ok lang.... kaplastikan lang naman nakukuha ko sa inyo. Mangisay ka sana sa inuupuan mo kung sino ka man!


Aaminin ko. Affected ako. Affected ako sa work routine ko. Instead of one call resolution, dinidispatch ko na silang lahat para matapos na ang araw ko! Ganun ka kahalaga pesteha ka! Yawa!


Pero wala rin naman akong magagawa. Ganun ka rin. Dahil hindi pwedeng diktahan ang nakatadhana! Hindi pwede baguhin ang nakasulat sa banga! At lalong hindi pwedeng maging close tayo forever dahil eventually ay maghihiwahiwalay rin tayo.


Malapit na ang araw na ating pinakahihintay sa loob ng napakaraming taon. Mabubura na ang ating mga pangalan sa lapida nitong lugar kung san nagsimula ang lahat. Panibagong karanasan, panibagong kaibigan. Hindi na tayo magkikitakita. Bubuohin natin ang ating mga pangarap ng hiwahiwalay.


Sana sa mga panahong hindi tayo magkikita, hindi kita mararamdaman, hindi kita maririnig ay tuluyan ko na ring makalimutan ang bugso ng aking pagdadalaga.


Sana sa aking paggising ay sasalubong sa akin ang bukang liwayway na puno ligaya at pag-asa.


Darating man ang gintong silahis na tatanglaw sa aking puso, hindi pa rin nito mabubura ang sugat na minsan ay naidulot mo nitong musmos kong damdamin.


Salamat nga pala. This made me a better, bitter and a happy person in Japan!


Tatandaan ko ang araw na ito! Dahil ito ang magpapatibay sa akin sa mga susunod kong tatahakin!

Post a Comment

0 Comments