Si Cesar. Si Cesar na walang malay. Si Cesar na laging tumatawa. Si Cesar na laging masaya!
"...Kaawaan sana ako ng lumikha sa akin.." | ||
Pero sa likod ng mga ngiti nya, sa likod ng mga patawang nakakatuwa, sa likod ng maskarang pangkabayo, nakatago ang isang pusong tigang sa pagmamahal, pagkalinga at pag-aaruga ng isang lalaking nagpangiti sa kanya pansamantala.
Maaring kakikitaan sya ng larawan ng isang taong masayahin, walang problema at animo'y walang control ang bunganga kung makapag ingay. Pero ang kanyang lalim ay hindi nasusukat sa kababawan ng kanyang glotis or soft palate.
Ilang araw na ko na rin syang nakitang maingay. Subalit sa bawat agwat ng kanyang pag-iingay ay may mga katahimikan ng isang baklang tila may hinahabol na oras, may hinahanap na kasiyahang yung tipong makakapagpaligaya sa kanya. Alam kong isang maskarang pangkabayo ang suot-suot nya sa twing kami'y magkikita. Ramdam ko ang kanyang kahinaan at naiintindihan ko ang kanyang kamangmangan!
Naisip ko na rin dating ang pagpapatiwakal.
Pero hindi dahil heartbroken ako. Sumagi lang sya sa isip ko ng minsay nalunok ko ang bote ng cough syrup na buo. Kung gagawin ko man yun, hindi lalaki ang dahilan. Alam kong kusang ginagamot ng puso ang sugat nito.
Pero si Cesar. Si Cesar na walang malay. Si Cesar na laging maligalig. Si Cesar na laging masarap kasama!
Si Cesar na umibig ng bonggang-bongga sa lalaking hindi nagbigay sa kanya ng kakarampot na pagpapahalaga.
Si Cesar na walang malay na niloloko na pala sya ng boylet nya. Si Cesar na walang kamuwang-muwang na wala na pala PSP nya!
Pero bilang kaibigan, hindi kami nagkulang sa pag-untog ng ulo nya sa twing nadadagdagan ng hiwa ang mga braso nya. Sa simulay mga payong kaibigan, sinusuyo at inaamo sha. Pero patuloy pa rin ang mga hiwa. Lalong dumadami. Nadagdagan pa ng paso ng sigarilyo at mga sugat na bago.
Si Cesar. Si Cesar na walang malay.
Si Cesar na walang alam! Hindi nya alam na ang pagpapatiwakal ay isang gawaing mang-mang lalo pa't lalaki ang dahilan. HIndi nya alam na ang pagkitil ng sariling buhay ay isang kasalanan sa batas ng tao at batas ng Diyos. HIndi nya alam na pag sya nawala sira ang stats ng team namin! kYeme!
Pero hindi ka namin inin-courage na gawin mo ang inuutos ng demonyo sa 'yo.
Sana lang maliwanagan kang mraming nagmamahal sayo. Matuto lang lumingon sa mga taong nasa paligid mo! Malay mo kabilang pala sha sa mga taong lagi mong nakakasalamuha sa araw-araw na rampa mo.
Payong kabayo kapatid. Mag-ingat ka at umayos ka! Kunti na lang tayong natitira sa mundo. Wag nating bawasan ang lahi natin.
Si Cesar.
Bow.
0 Comments