we need a good statesman not a good politician

Lets get POLITICAL!
 
The country is still startled by the revelation of Mar Roxas' latest public announcement. He formally denounced his ambition in running for 2010 presidency and relinquish the post to Sen. Noynoy Aquino.
 
 "...we need are good statesman not good politicians.."



Is it a good or a bad news.
 
Critics were amazed of this heroic move. But i call it a desperate move. I have been a fan of the Liberal party and has been continously updated by their projects and activities until i resigned from my previous work. I have been receiving thier complimentary magazine back then. Kaya updated ang Geisha!
 
So let's get political then!
 
Masasabing ang lahat ng makinarya sa 2010 election ay nasa administrasyon. Saksi ako nung mga nakaraang halalan kung pano nagpamudmod ng SSPS (salapi, salapi, pera, salapi) ang mga kandidato mapa-oposisyon man o administrasyon. Isa ako sa mga nagbibilang dati ng pera twing halalan. Since, hawak ng administrasyon ang susi  ng kaban ng bayan, hindi natin maikakailang maaring buksan nila ito sa sariling kapakanan.
 
Sa metro manila mismo, nagkalat na ang mga poster ng mga kandidatong nagbabalak tumakbo. Nakapaskil sa lahat ng sulok ng lansangan at eskinita. Nakasabit sa mga pedicab at nakabitin sa lahat ng arko ng barangay. Ito'y walang pinipiling okasyon. Mapa-fiesta, patay, binyag or kahit ramadan.
 
Sa mindanao, hindi gaanong lantaran ang pangangampanya. Walang ganong bonggang-bonggang tarpouline or poster. Pero kakikitaan ng matinding poot ang mga proyekto ng mga kongresistang nakabinbin at  hindi natatapos. Alam ng lahat na ang perang gamit nito ay galing sa pork barrel subalit tapos man o hindi buo nilang nakukuha ang budget.
 
Marami-rami pa rin ang umaasang makakamit natin ang pagbabago. Kelangan lamang nating simulan ito sa ating mga sarili. NO questions asked! Sadya nga lang nananalaytay sa dugong pinoy ang pagmamahal natin sa demokrasya ngunit ito'y naipapahayag minsan sa maling paraan.
 
Ang ating bansa sa kasalukuyan ay lubos na nangangailangan ng taong mamuno sa atin para maihanda tayo sa susunod na henerasyon. Taong may pananaw at may vision para sa ikauunlad ng bansa sa mga susunod na henerasyon. Pinunong may bukal sa kaloobang maglingkod ng walang anumang kapalit. Ito ang hindi natin makikita sa lahat ng lider ngayon.
 
Hindi natin kelangan ng taong nagpapabango lamang sa taumbayan. Hindi natin kailangan ang mga lider na gumagawa ng kabutihan para maalala sila sa susunod na halalan. At lalong hindi natin kailangan ang mga pinunong sobrang galing dumiskarte sa kanilang political career.
 
What we need are good statesman not good politicians!
 
Kung patuloy nating hangaan ang mga pulitikong magagaling, lalo lang tayong maghihirap at lalong malulugmok ang Pilipinas sa sakit na dulot ng maling pamamalakad.
 
Buksan mo mata mo! Punyeta ka! (nagpapabayad ka ng boto mo toz ngayon nagrereklamo ka???? Tseh!)

Post a Comment

0 Comments