Random ang post ko ngayon. Kahit anong maisip yun lang. I'm trying to be spontaneous and fluid kaya enjoy the roller coaster ride. ;)
Just an update for the Pamaskong Handog ni Geisha.
I was overwhelmed by the influx of donations and pledges from people with a big and generous hearts. Friends and strangers alike. Lubos po akong nagagalak sa inyong walang sawang pagtulong mula pa nung bagyong Ondoy hanggang ngayon. Sari-saring donasyon na po ang aking natanggap. May mga bagbigay ng lumang damit, mga vitamins, gamot at grocery items. May nag pledge na rin po ng mga gamit at toiletries. Sa mga tumulong at nag share ng kanilang blessings, Thank you po talaga at sa mga nais pong tumulong, patuloy pa rin po kaming tumatanggap ng inyong donasyon at in-kind contributions.
By the way, may tatlong emmissaries po akong pinadala sa Mindanao in advance to double check on the adopted barangay. They are currently in transit on board Negros Navigation carrying donations na nakalap namin from Manila. Don't worry, malayo po iyon sa Maguindanao. And besides, peaceful naman po ang lugar na ating tutulungan come december.
-----00000-----
I was glued on the TV monitor last night about the massacre in Maguindanao. The killing was barbaric, ruthless and selfish. Three of my fellow NUJP colleagues were killed on that bloody massacre. Thier faces unidentified, their brains scattered. I felt sorry for them. They were merely serving as a catalyst for change in that part of the archipelago yet they were ruthlessly killed. Tinutuligsa ko po ang nangyaring masaker! Kahit poot at galit ang aking naramdam sa kasalukuyan ay mas maigi pa ring iasa natin sa saligang batas ang lahat. Sana ang mga kamag-anak ng biktima ay hindi mag iisip ng paghihiganti para matuldukan ang hidwaan ng mga kapatid nating muslim.
------00000-----
Speaking of hidwaan, masyado lang akong nasaktan sa mga generalizations ng ibang taong hindi naman ever nakaapak sa Mindanao. Just so you know, malaki po ang isla ng MIndanao. In addition to that, hindi po lahat ng areas ng Mindanao ay araw-araw pinapatakan ng dugo.
Nakakasakit lang kasi minsan ng damdamin when people points at you [knowing that you're from MIndanao] in matters concerning gyera and the current bloodshed. Andun na tayong maaring concern lang kayo sa mga pamilyang naiwan namin dun but sana naman pious yung pagpapakita nyo ng concern hindi yung tipong may implied na meaning.
Some people are to mean to understand that the situation is no joke to us. Kahit malayo pa sya sa lugar namin [about 9 hours travel yung Maguindanao from us], the human element of the news is overwhelming. The proximity and the human interest is an added bonus to make it sensationalized.
For now, hangad ko po ang inyong taimtim na panalangin sa ikakatahimik at ikaka-resulba ng kaso.
Ipagdasal po natin na maging tahimik at mapayapa ang mga sumusunod na araw as we draw nearer to the ultimate battle where the future of our country in the next six years lie come May 2010 elections.
Magtulungan po tayo!
0 Comments