I really can't explain why i always had butterflies in my stomach everytime new year comes! I just felt like being in a roller coaster.
And dami kong naiisip pag bagong taon. My disorder is always controlling me! At pag new year nasa malalang antas ang paranoia ko!
There is that thought na magugunaw na ang mundo. Confused tuloy ako kung magpapaka-lalaki na ako or haharapin na lang si papa jesus na nakapalda!
Naisip ko tuloy na magbalik loob na ako sa diyos. The last time i went to church kasi was last year pa nung pinauso ng mga ka batchmates ko sa training yung baclaran day. Pagkatapos ng shift kahit haggard na derecho kami sa baclaran. Sila para magsimba, ako para matulog! Di na rin ako nakapag confess matagal na. The last time i had one was during our baccalaureate mass nung high school. Di kasi kami maka graduate pag di nag confess. Nakalimutan ko na nga yung spiel nun eh.
Totoo kayang may impyerno? Ang lungkot siguro ng kaluluwa ko pag totoo. Aminado kasi akong dun ako pupunta.Hi hi hi Pero totoo rin kayang may langit? Sabi kasi ng science teacher ko noon beyond the clouds we saw with our naked eyes is space. Tsaka when i saw pictures of the solar system wala naman doon ang langit na sabi sa bible. Haaaaayy very mysterious talaga at deeply profound.
Pag new year, di nawawala ang new years resolution. I do have few to mention pero parang sirang plaka na ako sa kakalista ng aking gagawin at itatakwil for the whole year round.
Tulad na lang ng pag-iipon. Hanggang ngayun kulang pa rin ang ipon ko. PEro kahit papano nagawa o namang mag-ipon. Kunti nga lang 'sya. sabi ko nga sa mama ko di sapat yun pambili ng lalaki.
Last year, i dreamt of flying. Totoo nga 'sya. Nagkatotoo ang panaginip ko. Nakalipad nga ako at napunta sa Manila. Sana this year ibang level naman yung tipong paggising ko nasa London na ako or Mars.
Naisip ko rin, ano kayang magyayari sa akin this 2008. Makakapag-asawa na kaya ako? Wag naman sana! Swerte kaya ako sa career path ko? Ma fulfill ko kaya ang PhD na gusto ko? Parang malabo yata lahat ng 'yun.
Iba kasi ang nakatadhana sa mga taong ipinanganak sa year of the OX ayon sa feng shui. Ang sabi kasi "may mga swerteng di inaasahan na darating sa 2008". Tulad na lang ng pagkapanalo sa Lotto. Eh pano naman ako mananalo eh di nga ako tumataya! Imposible!
Sabi pa, malakas daw ang hatak ng LOVE this year sa akin. Yeeheyy..(lol) Nabuhayan tuloy ako ng loob. Sana maging totoo ito! Di baleng di ako mananalo sa Lotto makatagpo lang ako ng pag-ibig ayus na sa akin. Sana darating na nga ang taong magmamahal sa akin ng buong puso. chozzz Ayokong magsalita ng tapos pero bahala na si batman! Kahit sino pa 'sya basta mahal ako game ako wag lang anak ni Eba. Hmmmmm Pwede na rin. Bahala na!He he he
Ang higit kong ikinatatakot ay madadagdagan na naman aking edad. Dalawang taon na rin kasing tumigil aking edad pag tinatanong ako eh. Lagi ko kasing sagot bente pa ako!He he he
Para kasing unti unti ko ng naranasan ang panghihina ng tuhod ko, ng mata ko pati sexual drives ko. Ganun daw talaga pag nagkakaedad sabi ng tita kong doktor. Pero wala skin yun!
Ang higit na inaalala ko ay baka tatanda akong walang napatunayan kay big brother! Kaya nga sa taong darating, sisikapin kong makuha lahat ng aking gusto makamit. By hook or by crook ika nga!
I dont want to give any specific new years resolution this 2008. I'll just focus my attention to two things i'll work out this year. Career and Career!
1 Comments
gudluck sa career.
ReplyDelete