Isang tensyon ang namumuo kanina sa media ng biglang nagsalita ang kampo ni FG (very gentilman) kaugnay sa mga isyung binitawan ng LGBT witness na si GEisha patungkol sa immoralidad at ma-anomalyang ng mga transakyon sa gobyerno.
Saktong limang minuto bago mag ala-sais kanina ng nagpapahiwatig ng presscon ang Malakanyang sa pamamagitan ng paglagay ng isang komento sa sworn affidavit ng falling star witness na si Geisha. Matinding pinabubulaanan ng administrasyon ang mga nakaraang pahayag ni Geisha. Ayun sa written affidavit ng Malakanyang, hindi nito nilalahat ang mga miyembro ng LGBT. Kanyang pinasisinungalingan ang pahayag ng falling star witness. Ayun pa sa affidavit ng administrasyon, nairita lamang 'sya sa ilang miyembro nito na tinawag nyang parlorista dahil sa mga anomalyang kinasasangkutan nila sa kongreso. Kabilang dito and paglabag sa R.A. 69 (corrupting minors), R.A. 344 (pandakma without consent), R.A. 76 or illegal possesion o pag-aangkin kahit di boypren, at paglabag sa Article 50 ng Revised Final code of 1986 or paghimas ng mga bagay na nagpapalaki ng ugat!
Kanya ring pinabulaanan na ang kanyang pananahimik kamakailan ay hindi dahil pinagtataguan nya ang sambayanang rainbow. Ito ay dahil inaasikaso nya ang kanyang mga negosyo here and abroad. Humihingi na rin sya ng paumanhin sa sinumang taong sumama ang loob sa kanyang mga naging pahayag at sinasabing bukas ang kanyang pintuan sa sinumang gustong lumapit sa kanya.
Naglabas na rin ng official statement ang secretary ng falling star witness at sinabi nitong napag-usapan na raw ng dalawang kampo ang ammicable resettlement at napagdesisyunang hayaan na lamang na ang taumbayan ang maghusga.
Para sa patas na pamamahayag, sinubukan naming kunan ng pahayag ang falling star witness na si Geisha subalit tikom pa rin ang bibig ng bakla! Sinubukan rin naming puntahan sya sa kanyang opisina pero umabsent na naman daw ito. Tinawagan na rin 'sya sa kanyang cellphone subalit sabi ng operator na hindi raw 'sya pwedeng tawagan dahil hindi pa daw ito nagbayad sa post paid nya kaya nag effort kaming tawagan ang landline nya pero aso ang sumagot.
Nag-uulat ng buhay, ito po si Cheche Lazaro para sa Probe.
12 Comments
bwahahahhaa. makabuluhan, pero sumakit ang ipen ko sa pag dechiper ng codes. hehehee.
ReplyDeleteGeisha: hihihihihih ano yun? rosetta stone? ;)
ahehehe.. buti na lang nagsorry ano, kundi pinagtulungan na sya sa sambayanang rainbow! lolz pwede ako sumali sa sambayang yan? gusto ko parpol ako hahaha
ReplyDeletesinubukan ko din tawagan yung falling star witness, kaso laging "the subscriber is having seks" yung naririnig ko.. ano kaya yun? ahahah peace mare :P
GEisha: hahahah naawa nga ako sa bata mare...its not intended to make him feel bad naman eh... anyways, im glad ok naman sya.. buti na lang din open minded sya! :) having seks ka jan! 4 months na nga akong tigang eh... talo ko pa ang palayan sa bukid na walang irrigation...ganun katuyo mare! wala ka bang ligadera jan na pwedeng magdilig sa akin? lol :D
buti naman at nalinaw na niya ang mga bagay na nasaksihan ni falling star witness.. tulad ni lilmiz, tinawagan ko din ang falling star witness, ganun pa din ang sagot ng operator: “the subscriber is having seks”.. bakit kaya? hehe!
ReplyDeleteGeisha: mga malandi kayo! hindi lang naman seks pinagkaka-abalahan ko, minsan nanggugupit din ako! :D hahahaha
i'm sorry tlaga... peace :)
ReplyDeletebati n tau ha... :)
Geisha: hi rain... wala yun! 'to naman oh... oks lang yun :)
ang saya naman pala d2! Geisha aq din tigang hahahahaha! By the way, I added u in my link! u have a cool blog ^^ I teach ENglish online (Koreans) at home lang ^^ marunong ka magbisaya?
ReplyDeleteGeisha: oi salamat sa pagbisita at sa add :) ganda naman ng work mo... feel ko yung ganun! pano ba mag-apply? heheheh ;) yes mare bisdak ko oi!
langya naman. akala ko pa naman seryoso tong post na to. (nag-expect pa na mag-seryoso ka, imposible ata yon!)
ReplyDeletegusto ko kasing makisawsaw ngayon sa pulitika kahit na ala akong kinalaman. :lol: i thought may kinalaman na naman to kay jun lozada at ben abalos na halos mag-pitikan ng tenga sa bangayan.
GEisha: heheh di bale... pinag-isipan ko na ang isusulat ko sa column ko sa philstar about politics :D... kabaligtaran pala tayo.. dati i hate politics... ilang bese ko na ring nai blog ang tungkol jan... pero ngayon na ang tamang oras para makibaka! kung dati hanggang sa pagsusulat lang mga propaganda ng mga kilusang aktibista ang ginagawa ko (patago pa yun ha), ngayon pinag-isipan ko na ring makilahok sa mga rally sa kalsada! ipaglaban ko ang karapatan ng mga maralitang taga lungsod..specifically bakla ;) hehehhehe
naku naman..bakit ba sa tanang buhay ko, indi ko magawang makialam sa palitiks...tsk tsk tsk...
ReplyDeletesana katulad mo rin akong interesado sa mga ganyan...kahit may konting twist...lolz!
pwede na...
pwede mo nang palitan si CheChe..
Geisha: aba mali yang ginagwa mo! chingggg :) paminsan-minsan kelangan din nating makialam! ang mga pinaglalaban sa kalsada ay may matinding epekto sa kinabukasan natin..either good or bad ang kahihinatnan sa lahat ng dagok na ito sa gobyerno, tayo rin ang magdurusa.. kaya naman... IS IT THE MONEY OR THE MOB? :D
naggugupit ng ano?? hehe
ReplyDeleteGeisha: ng buhok! ano pa nga ba! hehehhe :)
spill it out geisha! yan ang road to stardom ;)
ReplyDeleteGeisha: ahahhaha :) stardom ba? ano yun? :D di na kelangan pare.. am a star in my own rights! THANK YOU ARANETA! ;)
haha :lol: talaga? may column ka sa philstar? ang tagal ko nang di nakakapagbasa ng broadsheet kaya di ko na alam kung sino ang mga writers ngayon.
ReplyDeletemaganda yan. batikusin mo ang administrasyon at nang mapibilang ka sa mga biktima ng political killings. :cool: buti na nga lang ala akong lakas ng loob na mag-writer kaya safe pa ko. pero minsan parang gusto kong maki-rally sa KMU at Bayan Muna...
GEisha: joke lang 'to naman oh..hehehhehehe at dalangin mo pa talagang maging biktima ako nag politikal killings.. ayokong dumagdag sa numbers ng mga journalist na pinapatay noh! kaya maging diversionary aspect pa yun sa current scandals about ZTE. i'm sure matatabuan si lozada pag namatay ako... "Baklang blogista, ginahasa ng PNP, Patay!" :D
hahaha.. grabe! at ngayon may natutunan na akong mga batas.. magaling! magaling!
ReplyDeleteGeisha: hahah among-among ra na tanan! imbensyon ko lang mga yan! heheheh wala akong maisip eh :)
@batang buotan:
ReplyDeletebatang buotan?! tukneneng!! ganda ng blogname mo ah!! halata talga BISDAK ka tol!!
MONEY MONEY MONEY...kelangan dolyar ah!!! ahahah...nagdemand pa talaga!!
Geisha: oi silingan nah nako... buotan jud nah mare!