mukha mo!

I do not intend to watch TV that Sunday avro pero sobrang bored na talaga ako sa kwarto kaya naisipan kong bumaba sa sala at hanapin ang remote. As usual tinago na naman ng bampira kong landlady! HIndi ko tuloy lubos maisip kong pano timplahin ang ugali nya! Minsan sobrang bait, halos subuan na ako. Minsan nahahawa na rin ako sa kabaliwan nya. Kinakausap ko na rin minsan ang mga pusa sa bahay pati pinto at pader! Limang minuto na akong nagpaikot-ikot pero hindi ko pa rin makita. Pati mga DVD ko na hindi ko naakyat sa kwarto nawala na rin. Sumakabilang bahay na!



Geisha: tita asan ang remote?
Buang: hanapin mo! (pootah di ko nga mahanap kaya tinatanong kita)
Geisha: wala eh kanina ko pa hinahanap wala talaga!
Buang: tingnan mo sa banyo..(huh? pano mapupunta ang remote sa banyo?)
Geisha: a huh? di bale na....(pero pa simple ko pa ring tinungo ang banyo)

Eureka! Nasa banyo nga! Naghalo ang bilat sa tinalupan! Nasa lalagyan ng sabon! Buti hindi nya nai-flush!




Buang: di ba sabi ko sa 'yo nasa banyo...hahahahahah (tinawanan pa 'ko ng baliw)
Geisha: cheeeeeeeeeeeeehhhh!


Hindi naman 'sya violent na tao. Lunatic lang talaga 'sya! Pag kabilugan ng buwan, nagtatago na ako sa kwarto. Hindi ko na hintayin pang maabutan nya ako bago pa man sya magpalit ng anyo!



Kaya kahit na imbyerna ang beauty ko, binuksan ko pa rin ang TV hawak ang remote na amoy cream silk! Tamang-tama Rated K! Mahilig kasi ako sa mga news magazine programs at documentaries! At ang theme nila ay "mula ulo hanggang paa"!


Theme pa lang na hook na agad ako! Galing ng writer nila.. very catchy nga ang title! At habang nilalabas ang synopsis ng mapapanood lalo pa akong na incourage na manood! At facial feng shui ang tinutukoy ko!



 


Napanood ko na dati sa Discovery Channel ang docu nila about beauty. Ang tunay na kagandahan daw ay wala sa kinis ng balat at haba ng dila! MAkikita daw ang tunay na kagandahan pag susukatin mo ang iyong mukha! Accordingly, everything should be proportion! at dapat nasa tamang pwesto ang mga planeta! Ang ilong, noo, mata, kilay, eyelash, shape ng mukha pati hugis ng baba! Dapat daw proportion! OO nga naman! Ano kayang hitsura pag hindi!


 



Pero ang facial feng shui ay bago sa pandinig ko!
Nababatay daw ang kapalaran ng tao sa pamamagitan ng mukha nito! Makikita raw dito ang karakter at destiny ng tao sa pamamagitan ng kanyang mukha!

Ang palace of wealth ay pinamumunuan ng noo! The bigger the better sabi ng isang expert! Dito daw nababatay ang ating kakayahan sa pera! Mayaman daw ang may malapad na noo! Kahit maghirap na 'ko ok lang wag lang ako magmukhang may hydrocephalus!


Ang palace of prosperity naman ay pinamumunuan ng ilong at pisngi! Kung matangos ang ilong mo malapit ka raw sa swerte kasi artistahin ka raw! He he he.


Ang palace of health naman may kaugnayan sa hugis ng baba mo. Dito raw nababatay ang haba ng buhay mo! Eh bakit si Babalu patay na?




Ayun sa psychology, hindi nababatay ang katalinuhan ng tao sa laki ng skull nya kundi sa hugis ng utak nya! At laong hindi nababatay ang kalusugan, kayamanan at swerte ng tao sa hugis ng mukha nito! May mga mukhang malusog na malnourish. MEron din namang mukhang taong grasa pero mayaman! Kailanman ay hindi lang mukha ang batayan ng malas at swerte ng tao.

Kaya wag nating iasa sa sa pa cute-cute ang lahat ng bagay! Wag nating iasa sa ganda at ka sexyhan! Mas maganda pa rin kung may utak tayong maipagmamalaki! Ika nga nila, what is beauty if brain is empty? (ba't ka affected? maganda ka ba? hheheh)


Sa pagsusumikap, sipag at tiyaga! Dyan tayo aasenso!

Post a Comment

10 Comments

  1. bwahahaahha, grabeh ang buang, baka pinaliguan ang remote kc matagal ng hindi nalilinis, o kaya habang naliligo sha, nanood sha ng tv.

    creamssilk, hummmnnnn. i remember something, heheeh.

    Geisha: hmmmmmm...ako rin.. sarap kaya ng creamsilk.. madulas na mabango pa! :D

    Korek, wala sa hugis hugis yan, wag nating iasa sa kaanyuan natin ang lahat, pero sa katulad ko na pokpok, kaylangan tlaga na kagandahan ang puhunan, aanhin ko naman ang utak eh hindi nman kmi nagsosolve ng puzzle o kaya ng math questions. kung pekpek lang ang hanap sakin, hindi ko need ang katalinuhan.

    choze~ naniwala nman kayo, wala ako nun pareho. bwhahh


    "very nicely written"

    Geisha: hahahah! loka! kelangan din ang utak sa katulad nating pokpok! baka kulang ang ibabayad sa atin... kelangan math dun! :)

    GEisha:

    ReplyDelete
  2. wala sa mukha yan, nasa diskarte yan! hehe

    Geisha: hindi rin! cgro pangit ka noh? jowk! ;) walang koneksyon ang beauty mare sa destiny ng tao... sa kapal ng mukha pwede pa :)

    ReplyDelete
  3. kayamanan ito! ako rin nagpapayaman. hahaha... at korek kelangan din ng utak ng pokpok baka nga naman kulang ang ibayad ng client. mura na nga binabarat pa. hehe...

    *twiger napadaan para magbasa :)

    GEisha: hi twiger salamat sa pagdaan! dahil perst time mo dito, kelangan mo munang humalik sa Geisha :) hehehe jowk! ganun talaga kelangan gamitin ang utak kahit pokpok pa ang trabaho mo! :) mabuhay ka dahil hindi ka nagsasalita, nagsusulat ka! bravo!

    ReplyDelete
  4. natawa ako dito....>> "...Nasa banyo nga! Naghalo ang bilat sa tinalupan!..."

    haha! na misspell ba isang word jan o anu? :lol:

    ... word of the day: sipag at tiyaga. hmm.. ;)

    Geisha: pucha "bilat" pala nailagay ko wrong spelling.. sorry... :( hahahahahhah Word for the day: BILAT! :p

    ReplyDelete
  5. maganda ako! hahaha! (defensive?!) oo nga eh.. kelangan ng kapal ng mukha sa ilang mga sitwasyon..

    GEisha: oo nga maganda ka nga! bakit may sinabi ba ako? ;P basta ako makapal lang talaga mukha ko..hehehheh :D

    ReplyDelete
  6. hahaha... tawa ko ng tawa dialogue pa lang.angas pala ng tita mo eh. salamat sa pagdaan sa blog ko!!! :)

    GEisha: heheheh maangas talaga :) salamat sa pagbisita mare :)

    ReplyDelete
  7. in-add mo pala ko sa prendster.. hehe! ayan na, alam mo na pangalan ko at saka kita mo na din mukha ko... hindi na ko
    mysterious.. hahahaha!

    GEisha: hahahah :) thanks at inaprove mo sya.. kala ko blocked na ako sa friendster mo eh! cenxa na hindi tayo kagandahan! may pangit ka na tuloy sa friends list mo! pero fear not for i will never disclose your identity to anybody! chiinggg :)

    ReplyDelete
  8. gusto kong gumiling sa kakatawa hehehehe...

    GEisha: ate relax ka lang.. baka sumakit tyan mo.. dhan dahn lang bka mangisay ka :lol:

    ReplyDelete
  9. is it true that if you have a small face your beautiful..this is what some european and asian countries says.. that when women have small face their beautiful and mostly recognized.

    GEisha: that is subjective to every race and culture. beautiful is very vague. we filipinos do not see black people as beautiful and that's fact. that is due to our western mentality. shape of the face does not directly imply beauty or otherwise. salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  10. [...] araw-araw ma-eencash ang stock options namin! hahaha:D Late na ko umuuwi ng bahay. Nagdududa na ang bruha kong nagtatrabaho pa ba ako. Wala naman dawng empleyadong lalabas ng alas nwebe ng gabi at uuwi ng [...]

    ReplyDelete