Matagal rin akong nawala sa circulation. Just like other bloggers of his generation, who ran out of thoughts. My lacuna is not due to some immoral deeds as others put it that way.I've been invisible for days dahil ang dami kong iniisip. Confused ako sa maraming bagay! Sa gender ko ( :lol: secured na pala ako nito) , sa career ko, sa lovelife ko, sa self ko at sa community ko!
But finally, i came up with a reasonable and just resolution to everything! Kaya to wrap it up, here are the things I've been able to fill sketchily in my geisha brain cells.
My sister's death anniversary has reminded me of several happy and sad childhood memories.
I can still recall how she rode on my back everytime she wants a carousel ride. Ako ginagawa nyang kabayo. Si Petrang kabayo. Ang saya lalo na pag naghahabulan kami at tuwang tuwa naman ako pag nadapa sya! I must admit i've never been a very good kuya (ate oo). But I showed them (to all my sisters) how I loved them even in a very trivial manner. Hindi nila minsan na appreciate yun. Yung mga times na tumatanggap ako ng mga thesis works sa mga nursing student para may maibigay ko ng birthday gift. Yung time na tumatanggap ako ng tutorial classes sa mga anak na autistic ng prof ko para lang ma treat sila sa beach. But i know hindi sila bulag. Pero utak monggo din sila paminsan minsan. Makikitid ang utak nila lalo na pagdating sa boys. Akala nila bago nila matikman ay titikman ko muna! Once lang naman nangyari yun eh tsaka nag sorry naman ako agad. ChozE! But all our disputes have been settled already even before we settled our own lives. And its due to my sister's death. Masakit pala mawalan ng kapamilya. Kapuso? Ok lang pero iba kasi pag kapamilya! Lalo na pag nakita mo syang walang buhay. Nag flashback lahat ng bad memories ko that time. Nung napalo ko sya dahil binili nya sa tindahan ang mga collections kong coins from different countries. Lahat as in lahat. At sheeeet hindi pa ako nakapag sorry! Pano nya ako maririnig patay na sya! Ang hirap talaga! Pero ok na rin kami ngayon. Lahat nakapag move on na. Sina papa at mga sisters ko. Pati ako nakapag move on na rin.
Speaking of moving on, naninikip na naman ang dibdib ko twing naiisip ko ang paglipat ko sa Baguio in a very, very near future. Feel ko tuloy namatayan ako ng kapamilya.
Kanina while my eyes are roaming around my room, naisip ko mamimiss ko ang kwartong ito. Kwartong naging saksi sa mga isang gabing tulugan, siksikan at tayuan.
Twing nakikita ko ang sulok nito, napapangiti akong bigla. Shit! Ang dami ring nangyari! Tandang-tanda ko pa nung binalibag ako ni boypren sa isang sulok. Nung nagbabahay-bahayan kami at ako yung aso. Nung pinatira ko ang pinsan kong palaboy na aking binihisan, pinakain at inaruga hanggang sa pinalayas ko 'sya sa sama ng ugali nya! Nung natutunan kong wag magtiwala sa ibang tao dahil baka magnanakaw ito. Lahat ng iyon ay dahil sa kwartong ito. Dahil sa lugar na ito. Napamahal na silang lahat sa akin. Kahit krung-krung ang landlady ko mamimiss ko rin sya. TWing tinatawag nya akong Balong, Mark, Cris, Jona, Jennifer, Aubrey at Rainer. Deadma lang ako pag tinatawag nya ko sa mga names na 'yon. Alam kong nagtatawag na naman sya ng mga pangalan ng taong pinatay inembento nya. Tsaka na ako lilingon pag sinabi na nyang "Jeff". Mamimiss ko rin ang mga apo nyang makulit. Patience is virtue nga talaga dahil muntik na akong maireport sa Bantay Bata nung binato ko ng kutsara ang mga apo nyang peste! Pero kahit papano, tinuring nila akong kapamilya (hindi kapuso). Dun ako naiiyak. Kapamilya ang turing nila sa akin. For two years naging bahagi sila ng pag-tambling ko! Pagkain ko ng bubug! At paglunok ng gas! Sa parteng iyon ng Makati higit kong mamimiss ang aking suki nga jurbo! PEro ganun talaga. Dahil naghahanap tayo ng pera, parte na ng buhay ang pamamaalam.
Nang dahil rin sa pera ang pag-akyat ko ng Baguio soon. Hindi ko matapos-tapos ang pagliligpit ko ng gamit dahil hindi ako makahinga twing naalala ko ang maiiwan kong suki! :lol: Hindi ako kampante na makakita ng suking katulad nya! Sampung peso lang solb na! Pang coke sakto at biskwit!
Pero career change ang habol ko! New team, new environment. Panibagong adjustment, panibagong buhay!
I fervently hope na sa pag-akyat ko dun aakyat naman ang sweldo ko ng kahit limang libo lang sa isang buwan! He he he...
Pero hindi sya nakakatawa! Maswerte ako't may trabaho pa rin ako! Kahit lagi akong nag-pepersonal window wapakels pa rin ang IT sa akin. Kahit lahat ng inuupuan kong pc nagkaka bayrus, deadma pa rin! At kahit may screenshots na ng pornsites, heto ako't nakakapag blog pa rin!
Kawawa yung ibang tao na walang trabaho! At marami silang dadayo sa baba ng opis mamaya para mag rally. Inter-faith rally daw at mahigit isang milyon ang dadalo ayun sa sarbey.
Hindi na talaga maganda ang nangyayari sa Pilipinas. Rally dito. rally doon. Halos lahat kumilos na! Negosyante, estudyante, pulitiko, empleyado ng gobyerno at mga alagad ng simbahan.
Nagtatawag na rin ng malakihang pagkilos ang mga student leaders ng mga malalaking unibersidad sa bansa para sa pakikilahok sa mga rally na ito. Nakisali na rin ang CEGP at NUJP sa mga protestang ito. Ang saya siguro kung maipapahayag mo ang iyong saloobin sa kalye! Kung wala sanang gustong pumatay sa akin noon aktibo pa sana ako ngayon sa cegp at nujp. Siguro naman andun pa ang pangalan ko sa listahan nila!
Pero sa gitna ng matinding pagbabatikos sa pamahalaang Arroyo, deadma pa rin ang palasyo sa pagsasabi ng totoo. Sa katunayan nito, pumunta pa ang mga kaibigang pari ni Gloria galing Pampanga para magsagawa ng exorcism sa kanya. Nasa kanya na kasi ang pitong demonyong sumapi kay Emily Rose dati.
Totoo ang sinabi ni Erap. Tanging resignation lamang ang paraan upang mapatalsik si Gloria sa pwesto in a modest and honourable way. Apat ang nakasaad sa Saligang batas. Death (natural or abrupt like bang..bang!), disability like maging inutil sya, impeachement at resignation. Pero parang walang sa mga nabanggit ang gagawin ni Gloria!
At mamaya, siguradong late na naman ako nito pagpasok sa work. Pano ako papasok kung may nagrarally sa baba ng opis. Walang masakyan, sarado pa ang kalye. Pero may maganda na ring patutunguhan kung maglalakad man ako. Dadaan ang kumpol ng tao galing sa pamantasan ng makati papuntang Ayala. Pwede akong sumama dun at makipagkapit bisig sa kanila para sabay-sabay kaming masagasaan sa EDSA habang kinakanta ang Lets get loud ni J.Lo! Oh di ba ang saya!
Pero sa ngayon blog muna ako. Alam kong sa ganitong paraan, maipapalabas ko ang aking hinaing sa bayan. Marami na ring nagawa ang pagba-blog! Tulad ng emancipation of online discrimination lalo na akin na member ng third sex. Pero thankful ako sa isang taong naging kakampi namin (ni Clio) sa aming pagiging kami. At dahil hindi ko sya pwedeng abutan ng 50 million cash or abutan ng trophy, hayaan ninyo akong ipakilala ang taong ito sa inyo with all thanks and gratitude! I am so thankful, grateful and beautiful. Ladies and gentlemen, ang award na ito ay para sa aming knight in shining armour na si:
Moving forward, gumawa na ng hakbang ang iba't-ibang sektor ng lipunan upang ipahayag ang kanilang saloobin sa paghahanap ng katotohan sa mga isyung kinakaharap ng gobyerno. Panahon na rin siguro na magkapit kamay tayong mga blogger upang gumawa ng ingay sa blogosphere! Sa ganung paraan mapakinabangan naman natin ang ating mga daliring hawak ay keyboard at mouse!
To all Pinoy bloggers. Air your opinions, stand up and be counted!
12 Comments
grabeh, naiyak ako, pesteng some good things never last na yan (yan ang kanta habang binabasa ko toh).
ReplyDeletewaaaaahhhhhh. ma mimiss kita.
waaaaaaahhhh.
ayoko ng iyakan, peste.
Geisha: ano ba! magkikita pa naman tayo eh.. akyat ka lang dun! hehehehhe :)
kelan ka pupuntang baguio, sarap dun!...
ReplyDeletedrama pala ng buhay mo kasing drama ng rally sa makati ngayon..
bwakangina, antatag talaga ni gloria! pero lam ko si GMA hindi na nya na-e-enjoy ang gabi nya with FG, tanungin mo uli yan about her sex life, kung dati plenty, ngayon, EMPTY!
GEisha: malapit na mare.. hindi pa ako tapos magligpit.. pag natapos na.. dami ko kasing ipaliligpit.. yung landlady ko, bahay nila tapos gamit ko pa..hehehehhe :) hindi naman.. light drama lang naman life ko... hindi sing drama ng rally. lalo na kanina may iyakan blues pa sila at lumalabas pa litid nila sa kasisigaw nga Gloria Resign! hahha mepty talaga.. naman! kung mag sex sila malamang may mamamatay sa kanila! hahahah una dahil sa stressors na mga isyu. second dahil sa high blood!
masaya naman ang buhay sa baguio, namimiss ko na nga yung lugar na yun, 2 years din ako dun..
ReplyDeletemadali lang namang bumaba pag di mo na feel dun, 6 hours lang naman na pag-upo sa bus! hehe!
gudlak lahat sa mga pagbabago sa takbo ng buhay mo...
to gloria: ang tibay ng loob mo grabe!
Geisha: talaga lang ha! :) pootah 6 hours? anubehh.. pero keri ko yun... dati nga 14 hours from CDO to gensan...heheheh uu nga mare.. alam kong marami ang magiging pagbabago sa layf kong 'to...magpapalit na ako ng balat sa lamig dun :) natapos rin ang rally kanina ng mapayapa.. sa awa ng dyos halos mabasa sa pawis ang damit ko sa pag-aalay lakad galing mrt papuntang opis. pootah... kung dati nilalakad ko yun within 15 minutes kanina 30 minutes. akalain mo yun....dami kasi tae..
awww... wala lang... hahah... sundin mo ang sa tingin mo'y tama...
ReplyDeleteGeisha: tama ka! titi-gilan ko na ang drugs masama yun sa tao.. salamat ha :) hehehehe
oust gloria! ampf!
ReplyDeletewell sir, sometimes we have to move out to move on. =)
apir!
Geisha: korek! may tama ka! anong sabi mo sir? wrong syntax! dapat maam! heheheheh :) thanks for the visit :)
in this issue, i think, i should stand to be more critical than negative. :D
ReplyDeleteGeisha: in didn't catch that! :( henewei, hindi natinag si gloria kagabi. for sure that would mean further rallies and protest coming up next!
hi maam! ;) kapag nasa baguio ka pa pag-uwi ko ng pinas next year puntahan kita dun, hehe... another place, another new journey, yakang-yaka mo yan!
ReplyDeletePara kay Gloria: booooooooooooo!
Geisha: oi sureness! kung gusto ngayon ka na umuwi para may kasama akong magbitbit ng bagahe ko..ahehehehhe :) kakayanin mare.. walang choice! heheheheh sayang di natinag si gloria sa rally kagabi! ang lakas ng kapit nya! :(
salamat sa pagdaan sa aking blog.
ReplyDeleteGEisha: welcome po :)
ingat papuntang baguio :D
ReplyDeleteGEisha: salamat wei vines :)
Count me in. I'm also seeking for truth but I stand that we don't need to shout that on streets. Let's moderate our anger. Let's remain calm and avoid calling names that may hurt others.
ReplyDeleteGEisha: calmness beset calmness. we just have to sit back and relax and let the court proceedings and senate hearing progress to the highest level. but we also have to act accordingly should the situation allows us to do so.
kahaba ng post! go liwaliw!
ReplyDeleteGEisha: hahahhah mahaba ba?
lol!!! hahaha!!! ano ba yung 1st pic na sumalubong sakin pagbukas ko sa homepage ng blog mo... lol.... ingats na lang... hehehe
ReplyDeleteGeisha: hahahhaha ano yun magic? :p thanks mr lee :) regards sa yehey!