Matagal na rin akong di nakapagliwaliw. Its almost a year na rin yata ng pumunta kami sa batangas with my teammates. After that, puro work na lang ginagawa ko (kami pala)! Paano naman kasi, mahirap pagdugtungin schedule namin dahil hindi kami pareho ng oras. Kaya when someone initiated a joyride at starcity, go na ako without a second thought!
First time ko sa Starcity. There have been a lot of invitations before pero afraid ako sa mga rides at may phobia ako sa clown. My unchild-friendly municipality attitude is also one factor kaya ayaw kong pumunta sa mga ganitong lugar in favor of my paranoia! Pero wala akong choice, kelangan kong makisali at makisawsaw sa mga teammate ko para naman marinig nila kung gaano kasakit sa tenga ang aking mga tili! Despidida na rin ito sa nag-iisang maldita sa team na mae-exile sa New York! At for the last time (i guess) na magkakasama kami, ang dami kong napansin sa aking mga kasamahan sa work. HIndi lang pala sila pang colcenter, pang horror pa!
Sa halagang Php 375, may ride all you can ka na plus makakatikim ka na ng new york sa kanilang malaking freezer na below 15 degrees C ang temperature!
Nung una, demour pa 'ko. Pilit ko kasing eno-overcome ang fears ko. Kunyari pa akong nag-eenjoy kaya tipid ako kahit sa smile.
Pero unti-unti na akong nag-enjoy sa mga photo ops namin. Wala kaming ginawa prior to those rides habang hinihintay na rin namin ang aming ibang kasamang sumasamba pa rin hanggang ngayon sa filipino time na kung hindi one hour late eh three hours pa or mahigit!
And so there is christmas! Dumating din ang aming mga taeng hinihintay.
And because of that, unti-unti na rin akong bumigay with my signature geisha smile (yung tipong kakain ng bola)!
First stop namin ang Viking. Pang warm up sa ibang rides na panakot sa geisha. At first ok lang pero nung tumagal ay hindi na ako makahinga. Naninikip aking dibdib. Kung alam ko lang na hindi pala pwedeng tumigil pag ayaw mo na, sana hindi na lang ako sumakay. Hindi ko na rin ilalagay ang picture dito dahil kalansay lang ang naka capture sa mga 'yon. Pati flesh at spirit ko nawala sa sobrang takot! Pero enjoy naman kahit papano. Lalo na dun sa magic carpet ride. Babaligtad talaga ang sikmura mo sa lula! Sumunod ang bump car. KAhit di ka marunong magmaniho eh matututo ka talaga at ma inspire ka pang bumili ng kotse! :) Pero ayaw talaga paawat ang mga kasama kong bilat! Mas gusto nilang mahirapan. Mga sadista ang mga bilat. Ang tatapang! Samatalang ako, ferris wheel pa lang takot na! Go kami next sa wild river. Naalala ko yung batang namatay dun. talaga namang breathtaking ang site lalo na pag tumatalsik yung tubig sa iyong harapan na animoy may halong constarch sa lagkit! Sana man lang papalitan nila yung water dun! Yucky! Enjoy pero bitin pa rin kaya tinungo namin ang surf dancer. Dun ako nag-enjoy sa takot! Pumapalakpak pa ang geisha nung una pero wala pang 3 seconds bibalibag na kami ng upuan! Hindi na nga ako tumitili sa takot! Wala na akong boses. Panay mura na lang ginagawa ko! And there comes the ferris wheel bilang last ride ko. The rest di ko na kinaya. Nag yosi na lang ako sa gilid while others are enjoying some rides. Ayoko pang mamatay!
A taste of Alaska (hindi yung gatas kundi yung snow world) is fantastic. Nung una nag-iinarte pa ako. Ayokong mag jacket dahil kadiri ito! Yong jacket na binibigay nila ay sinusoot na ng maraming tao at hindi excempted ang ibang may galis sa skin! PEro sa temperature na below 15 degrees celsius, wala talaga akong choice. Sarap mag slide sa yelo. Kala ko nga nosebleed na ako. Barado ilong ko sa sobrang lamig. Pati sipon ko frozen na rin! Its a great summer escapade! Pero goodluck sa frost bites!
Yan ang cast ng Pahiram ng mukha. Ibat-ibang hitsura. Ibat-ibang ugali. Other look good while some looks constipated. Katatapos lang namin kumain right after the ride-all-you-can, scream-all-you-can sa starcity. Nagpa housewarming ang aming kasamang si Cielo kaya treat nya ang dinner. I'll miss this team. Sila ang aking naging kapamilya for a year and a half. At hindi namin alam kung kelan uli kami lalabas ng sabay-sabay! Bahala na si batman....
1:30 am na akong umuwi at nakapasok sa bahay ng 4:30 ng umaga. Tatlong oras din akong nasa labas ng bahay. Umaasa, nangangarap, nanginginig sa takot at lamig, nakikipag-away sa lamok at kumakatok sa gate! As usual, padlock na naman ang lahat ng lagusan! Pinadlock ng aking landlady na bruhang mangkukulam!
18 Comments
patagal ng patagal, palandi ng palandi ang posing mo! hekhek.. peace!
ReplyDeleteGEisha: hahahah pansin mo rin pala! :) hahhahah malandi ba? hahahhahaha nahiya naman ako :(
pasaway talaga yang landlady mo!!!
ReplyDeletenaku, pareho tayo, takot din ako sa rides pero nung kasama ko yung barkada ko na pumunta diyan. di na rin ako naka-hindi.. sinulit ko din ang ride-all-you-can.. pero takot pa rin ako hanggang ngayon! hehe!
GEisha: naku sobra! to the highest level! pero sa wakas na overcome ko rin naman fears ko... pero talagang di kaya ng powers ko yung roller coaster ba yun ewan. feel ko kasi pag binalibag ako hihimatayin ako sa takot..hahhahahaha :) kaya mo yan! wala pa namang isang minuto tapos na rin ang ride mo eh .... kaya lang baka pagkatapos nun eh ipapatanggal na ng doctor ang tonsils mo... :)
parehas pala tayo ng experience sa viking, lenghiye yun! yun din una kong sinakyan nung pers taym ko, akalain mo yun muntik na kong masuka!
ReplyDeletenakakabanas talaga yang landlady mo.... regaluhan mo nga ng awa at bait yan nang matuto... alam ko may nabebentang awa at bait, limampiso tumpok kaso mukhang out of stock sya...
GEisha: muntik na akong mahimatay sa viking na yan! nasa dulo pa ako naupo! haayy naku.. kunting araw na lang natitira ko sa bahay na 'to lalayas na rin ako... lahat na yata ng kabutihan binigay ko na sa bruhang yon pero wa epek pa rin lalo na pag kabilugan ng buwan... sinusumpong talaga! like, kakatok ako sa labas.."tita pabukas" "walang tao dito, hindi ako tao" kundi ba naman sya baliw sa sagot nyang yan?
P.S. oo baklita pa ako.. kaya nga ate tawag ko sayo eh.. hehehehhe
i-treat mo sa starcity ang landlady mo baka magbago hehehehe
ReplyDeleteGeisha: good idea mare.. ikukulong ko sya sa snow world para manigas sya dun at mamatay! heheheeh (bad ko talaga) :(
waaaaaaaahhhhhh, ingit nman ako, nung november pako nagyayayang pumunta sa starcity pero untill now walang gus2ng sumama sakin, waaahhh. lecheng school tlaga toh, nakakasira ng buhay, bwahahaha
ReplyDeleteGeisha: balik tayo dun pag di ako natuloy sa baguio... :)
gurlaloo, may entry ako for you about home-based online teaching ^^
ReplyDeleteGEisha: tenchu tenchu... you are appreciated.. yabyu mare :)
at nagliwaliw ka rin ha! hehe :lol: matry ko nga rin ang mga rides na yan. puro kalabaw lang kasi ang nasasakyan ko dito. haha :lol:
ReplyDeletemay phobia ka pala sa clown. di ka na nasanay sa mukha mo. joke! magaling ka kasing magpatawa kaya ganon. hehe
haha! ako rin isang beses pa lang nakapunta ng star city ride all you can..di ko na nasulit kasi dec nun mahaba ang pila sa bawat rides na malulupit kaya puro pambata yung nasakyan ko karamihan. oks na rin kasi madami naman.
ReplyDeletesiguro kung hindi ka ngingiti at magsasalita hindi mao-obvious na bakla ka..hehe!
bwahahahahahahhahahhaha :lol:
ReplyDeleteYun lang *winks! joke!
@Beer-O:
na miss ko na rin ang carabao days ko.. pero mas masarap ang kabayo... magaling ako mangabayo :) hahahha since bata ako ayoko talaga sa clown naiirita ako! ewan.... basta hate ko sya!
@Gasti:
oi buti na lang hindi peak season nung pumunta kami! kunti lang nakapila... :)
anubehhh.... hindi naman talaga ako bakla.. straight ako... straight! lalaki 'to pare..hehehehhe (ang sagwa!)
Lols! :lol: naririnig ko yung mga tili ng bakla sa school(no, hindi yung tili para saken ah... :lol: tili yun para sa mga crushes/boyfriends nila)
ReplyDeleteI wonder kung pano kayo tumili sa mga rides :lol:
Geisha: naku wei di na nga ko makatili sa takot panay pootah at Tang*** na lang nasambit ko... naintriga naman ako sa mga tili ng mga bakla sa skul nyo.. alam ko kasi kaw tinitilian nila! sa hitsura mong yan? malamang pati si giorgo armani mapapatili rin sayo :)
kakainggit naman ang mga rides na yan mare. pwera yang roller coaster. yoko na nyan hahah :lol:
ReplyDeleteGeiha: korek.. ako rin di ko keri ang roller coaster.. feel ko yun ang ikakamatay ko! :)
grabe naman landlady mo, sumbong mo na yan sa bantay bata wahehe.. ang laki ng tawa mo sa isang pic dyan ah, i like ahaha, geishang geisha :D
ReplyDeletenaalala ko din tuloy yung nag-EK kami, unang sinakyan namin ay anchor's away, kala ko naman pa-sway-sway lang sya.. pakshet, palayo ng palayo ang sway! at ang tagaaall nya natapos, naiyak talaga ako nun at sumisisigaw ng "stop na po please! mamamatay na ako!" da whole time.. pero after nun, parang wala lang nangyari hehe nakasakay pa ako ng space shuttle at dun na naman nagwawarla ahaha.. ang saya kaya sumakay ng mga ganyan, may rason kang tumili ng tumili hanggang mabingi katabi mo nyahaha :D
GEisha: naman! gusto ko nga post yung pic ng bruha para makita nyo..heheh :) mukha nga akong mahadera sa tawa kong yun eh... hindi ako yun.. not my cup of tea.. reserve talaga ako..chingggggggg! :lol: mas maganda dun sa enchanted huh.. bitin kasi sa starcity... mas masarap dun.... pero ayus na rin... muntik nang matanggal ang tonsils ko sa kakatili! sinabunutan pa ako nung kasama ko.. OA daw yung tili ko sakit sa tenga..hehehehheh :)
hi geisha.
ReplyDeletenga pala.. add mo naman po ako sa blogroll mo. bago lang kasi ako eh.
http://denztarca.wordpress.com
^ang buhay ng isang kolboy slash macho dancer na nursing stud...
salamat poh!
Geisha: matutupad! :)
mare bayot, bakit hindi mo ako sinama?
ReplyDeletehehehe.
i miss you na.
GEisha: reggg! mare.. miss you too.. di na kita nakita ah! puntahan mo ko sa station minsan :)
update mo na blog mo. talagang busy ka na yata sa pangangabayo ah. lols! :lol:
ReplyDeleteGeisha: tinatamad ako pre... :) mamaya pag may naisip akong maganda.. masama kasi pakiramdam ko ngayon eh... badtrip mode ako ! :(
pareho tayo takot din ako sa rides... kaya lahat ng theme park na napuntahan ko lagi ako naiiwan sa gilid :)
ReplyDeleteGeisha: naku sana sinamahan mo ko para tayong dalawa sa gilid :)
hindi pa ko nakakapunta jan sa starcity... sa bakasyon, pipilitin ko! hahah... parang bata... naks naman si idol wei, pati si giorgo armani napapatili mo... hahahah... :lol:
ReplyDeleteGeisha: oi punta ka.. mag eenjoy ka dun! :lol: tsaka di lang bata pumupunta dun huh! lahat dun may bolbol na!
ito ba ang evolution of the geisha smile?
ReplyDeletenakakaaliw. nakakabaliw.
mahal ang benta dyan. talo pa si mona.
Geisha: hahahahha evolution talaga..hehehehhe :lol: tenk you :) add na kita sa blogroll ko ha... sino si mona?