usahay sa atong kinabuhi mo abot jud ang panahon nga wala sa atong mga plano, panahon nga bisan ang equation ni einstien walay mahimo, bsan c notra damos dli ka tagna... ma'am oddett i mis u so much.. sauna, mag storya pa tah, u gv me advise, treat me as ur brother... ug pagmahal sa usa ka igsoon..usahay, mahimo pa ka nku nga secretary.. but sa imong pagkawala aning nga kalibutan.. sa imong pag panaw, sa imong pag bya ka namo,, dli na madayon ang mga condo units nato ani, ang reunion nga usa sa atong gi.andaman 5 yrs from now.. ang stroller sa imong baby nga ako unta ang na assign..unsaon taman.. wala man jud tah nasayod sa tanan, gimingaw naman nmo c Lord.. gusto nman ka nya makauban maam... ingats nlang sa byahe.. ayaw kabalaka, mo sunod ra btaw kung kabubut.on na sa Ginoo.. mis u so much maam, n my prayer nalang tka ma istorya..... i luv u so much.. i mis u so much.. i mis u.. i mis u.. good bye maam teds, goodbye ate, goodbye to u my friend, goodbye... mahal na mahal ka namim maam...
Former Governor, College of Engineering, Misamis University
Tama si Junjie Maam Odette. Sa wakas may tama rin syang sinabi. Alam mo naman ciguro Dette kung bakit nasabi ko yun sa kanya. Wala naman talagang matinong ginawa yung mga Engineering students na yun lalo na ngayong engineer na sya! Sa Saudi pa sya nagkalat ngayon. (heheheheh peace!)
Nung unang apak ko pa lang sa DSA office naging ate na kita. Ikaw yung nag guide sa akin. Nag orient sa akin about my job description, my line of duties pati na rin mga linya na hindi ko pwedeng puntahan at hawakan. Alam ko tiniis nyo ni Sir Jo ang pagiging maldita ko. Sorry po talaga. Nagdadalaga pa ako nun kaya mahirap akong makasundo lalo na pag may dysmenorrhea ako.
Hanggang sa naging magkasundo rin tayo sa lahat ng bagay. Naging sumbungan ng mga hinanakit, mga pantasya natin sa buhay at higit sa lahat ng ating mga girls talk na halos lahat about boys. Naalala ko pa yung mga gabing dun ako nakikitulog sa inyo dahil gusto mo lang mag kwento sa boylet mo. Pinakinggan kita ng buong puso kahit may mga exams at quizzes ako. Yung mga kasiyahan natin sa office pag may palpak tayong ginawa. Yung mga asaran natin ni Sir Jo. Tandang-tanda ko pa kung pano ka umiyak kahit anjan si Mommy Cecil mo pag tinutukso ka namin sa boss nating si Joey.
Ikaw ang unang saksi ng aking pagdadalaga. Naalala mo pa ba yung isang maritime student na na-interview mo. Sabi mo gwapo. Nanghihinayang naman ako nun dahil may class ako nun. Pero pinagbigyan mo pa rin ang kalandian ko. For the sake of our friendship. Pinilit kitang wag mo nang gawin pero pinatawag mo pa rin sya at sinabing hindi pa tapos enrollment nya. Kelangan pa nyang humarap sa akin for another interview at mag submit ng full body picture. Nag submit naman si Ragsac at nagkaharap nga kami. Kahit alam kong duda sya sa koneksyon ng editor-in-chief sa enrollment process. Saksespul pa rin tayo sa trip natin. Na-interbyu ko sya about his likes and dislikes kunyari ilalagay sa campus hearthrob ng magazine habang tawa ka ng tawa sa likod ng aparador. Namumula ka nga nun sa tawa eh.
Ikaw na rin ang tumayong ate sa akin. Pag may naka set akong meeting sa staff ko anjan ka para hintayin ako. Pag may mga overnight works ako lagi mo akong tinutulungan. Pero naging fair ako sayo. Sa mga gabing naghahanda ang university for ISO certification hinahatid kita lagi sa bahay nyo galing overtime. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga kulitan natin while walking. We were so happy then!
But our friendship is not all about happiness. You have been a very consistent ate. You were there to condole me when my sister died. Your presence and the rest of the Collegian staff and central student council has helped us grieving. And i'm so thankful for you about that. You and Sir Joey dahil kayo ang may pakana ng lahat. Sa mga pagkakataong gusto nating umiyak dahil sa pagod during Intramurals at magpakapuyat sa mga Discomural at Mursoyawan dahil sa pagbibinta ng mga candy at tubig. Sa mga successful event during foundation days, ikaw lahat nasa likod nun. Kahit minsan umaabuso na kami sa kabutihan mo (lalo na si junjie). Kahit di mo trabaho ay pinapagawa namin sayo. Pati love life ng mga supot na governors sayo pa binubuhos lahat.
Dette, sorry if naging kunsintidor ako sayo. Alam kong kinokunsinti kitang kumain ng junk foods at isawsaw sa suka. Mapilit ka kasi. Alam kong favourite mo yun kahit bawal sayo. Hindi ko kasi kayang tiisin ang mukha mo pag nagmamakaawang wag isumbong sa mommy mo at kay Sir Jo.
Reregaluhan sana kita ng crib sa baby mo pero hindi nyo ko hinintay. Sana hindi kayo bumigay para magkaroon ng katuparan ang ating wish na maging magkumare. Sawa na rin akong tawagin kang maam or tedj. Mas masarap sa tenga kung mare na lang.
Dette... mamimiss kita! Sa totoo lang.
Inaasam-asam kong balikan ang DSA office pag naging saksespul na ako dahil alam kong nandun ka lang para bigyan ako ng hug at congratulations. Hindi ko na rin matatanggap ang pangako mo sa aking pillow at T-back. Mag-isa na lang akong kakain ng imported corned beef nito. Peyborit mo yun di ba?
I know DSA office will never be the same again without you. Alam kong mahihirapan si Sir Jo sa iyong biglaang paglisan. Concern na concern ka pa naman sa kanya. Kahit may sakit ka dati pumapasok ka pa rin dahil ayaw mong ma stress si bossing sa opisina.
We have been very vocal about our filial love to each other. At mamimiss ko yun. You are the only person na napagsasabihan ko ng "i love you" anytime of the day. Wala na ring magsasabi sa akin ng ganun.
Sayang!
Sosorpresahin sana kita pag-uwi ko. Pero ako yata sinorpresa mo sa iyong pagkawala! Ang daya mo Dette hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Di ba sabi mo walang iwanan? Di ba sabi mo friendship kahit matanda na tayo? Kahit ulyaning bakla na 'ko? Pero bakit mo 'ko iniwan?
Naghihimagsik man ang aking kalooban ay pilit ko pa ring tinatanggap ang katotohanan. Alam kong hindi ito panaginip dahil dalawang araw na kong gising at hindi pa ako nakatulog.
I will miss you Dette...
I know ayaw mo kaming malungkot sa iyong pag-alis dito sa earth kaya magkahalong ngiti at sipon ang mukha ko ngayon habang sinusulat ito. Salamat sa alaala. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa iyong ngiti!
Salamat sa lahat.
I know that you've never left us, for the good that we have become because of you will always stay. Your memories will always be there, reminding us that we should be thankful and happy not because we have lost an angel, but because, for once in our lives, that feeling lived in our hearts and made us happy.
32 Comments
:( condolence mare .. hindi talaga natin masasabi kung hanggang kelan lang tayo sa mundo.. kadalasan, yung mga hindi pa natin ini-expect ang nauuna satin.. kalungkot naman, damang-dama ko ang pighati mo sa post na to :( .. ganun talaga buhay.. isipin mo na lang, may anghel na na magbabantay sayo ngayon :) (dati debil yata nagbabantay sayo ahehe) .. oh sya, pahiran mo na yang luha at sipon mo, pumapanget ka na :P
ReplyDeletethank you mare...
ReplyDeletetama ka.. i don't expect her death too soon...
mas nauna pa sya sa mga pinangarap kong mamatay!
bakit sya pa! bakeeett? :(
Our condolences to the bereaved family. Yah, its really unexpected for someone real close to pass away. While its our human nature to tear for a friend who has gone from us lets not forget that if one goes, the other will stay. I can still remember how we are close to maam odette. d ba tear? as in mga CSC nga mga kalihukan ug sa Collegian. Dah uy, kahilak ko ha.dili ko ganahan ug kayi biya.dayon kadumdum ko sunlugon gani nato si odette nga igis ra ug noak ug suka, i mean muni ug suka. daun atong mga chika about anything under the sun most specially serious discussions on plans with CSC and Collegian. unya si Oks kay AW ngal. basta kung unsay naa cge go. wiz comment. Dili nako malimtan ang permente katawa ni odette ug ato na siyang sayawan tear noh? dah uy nang limbawot akong balhibo. dayon ug chikahan nato siya ug notch di ba, moana lang to siya. "unsa man na mga ate uy?" dah uy.laina pud ni odette uy. wala pa gani ko ka kita niya after ko ninghawa sa MU ning kalit mag taliwan uy.Basta det, kung asa man ka, ayaw kabalaka kay permente man mi mag ampo sa imong kalag ug hinoot malipayon ka kung asa man ka ron. Love kaau ka namo ni jeffklein det,maski dia na mi sa kaulohan nagkalat dili ghapon mi kalimot nimo det. Ikaw ang usa sa mga tawo nga nkacontribute sa among na abot ni jeffklein karon. Imong mga advise ug mga friendly qoutes,nakatabang ug maau namo maski dili mi serious duha daghan kaayo kag natabang namo, sa among trabaho sauna mga NGOMA AR. mga KIVER ug uban pa. we will truly miz you. Our prayers for you and your family. Be at Peace. May you rest in PEACE!
ReplyDeleteGeisha: yawa kaayo ka july! pinaiyak mo ko animal ka! sana masilayan man lang natin sya before she'll join our creator... mingawon jud ko nya maam.. sya ra bya ang nakasabot sa atong kabayot maam.. huhuhuh... at peace na si oddete tear.. kinsa kahay sunod ani.. duda nko ikaw jud! hehehehhe (ikatawa na lang nato ni maam) i've been reminiscing the happy memories we had with her... this way dili ra kaayo maghoot akong dughan... :(
condolence.
ReplyDeleteok lang yan. well, wala na tayong magagawa. it's HIS will. ayan, may guardian angel kana. and I know, she's also happy to have someone like you - who cares, and value her.
---------------------
i am not afraid of dying; i am just afraid that no one would care. charut!
---------------------
this too shall pass. kaya mo yan! aja!
Geisha: salamat sayo rex... uu nga at may angel na ako... dati pa gusto talaga nya na tawagin namin syang babay angel.. but i never thought paninindigan nya ang pagiging anghel sa aming nakasama nya sa maikling panahon..
:cry: condolence mare..
ReplyDeleteramdam ko din ang lungkot mo. at alam ko dadalhin mo pa din yan for days... weeks.. pero ganun talaga, this is one of those facts of life na dapat natin tanggapin. lahat lilipas din.
san man sya naroroon ngayon, im sure happy din si baby angel mo kasi alam nyang she'll always have that special place sa puso mo.
*hugss* wak na malungkot ha.. :(
Geisha: thanks cams.. namamaga pa rin mata ko till now... but i know god has better plans for her.. salamat ha...
condolence ha
ReplyDeleteGeisha: thank you tapsiboy.
klein.. tinuod jud ni??? we cant really tell what will going to happen..... a "little girl" whos very bubbly and energetic..... hayz....
ReplyDeletewe may not be so close during my college days but she has a soft spot in my heart as we always "kuraw" her in dsa....
hayz... dli na jud ko kakita ani nya balik sa mu... (yes, balik ko skul mam)
Geisha: tinood oi peste ha! wala njud koy kasumbungan sa akong tanang sekreto john... am glad mobalik kag skul.. wish you all the best...
The sweetest songs, fade to echoes in the wind
ReplyDeleteThe best of times must end, so a new day can begin
And the dreams we dream that seem so real at night
Must meet the morning light, and vanish from our sight
It's just goodbye
Remember, time was never our friend
We walked the road together, we came to the end
It's just goodbye
Now I won't tell you not to cry
But I swear that what we had won't die
Cause it isn't over, it's just goodbye
I close my eyes, and I still can see your face
I know the truth of us, can't be bound by time or space
And the joy we shared, the magic that we've known
Is something that we own, though we may be alone
It's just goodbye
Remember, time was never our friend
We walked the road together, we came to the end
It's just goodbye
Now I won't tell you not to cry
But I swear that what we had won't die
Cause it isn't over, it's just goodbye
It's just goodbye
It doesn't really matter why
I know what we had, can never die
Cause I'll always love you
Yes I'll always love you, so it's just goodbye
Geisha: thanks john! pwede paki translate? wala ko kasabot!
My condolences mare...
ReplyDeleteWe can't do anything when God took our loved ones from us, isipin mo na lang hindi na niya pagdadaanan yung hirap dito sa mundo. Mas masaya na siya kasama ng ating Saviour. She's now in heaven watching over you mare. *hugs*
Geisha: salamat mare...i know its God's will.. inasmuch as possible i don't want her leave that soon... we haven't even seen each other for 3 years.. and i bet forever na.. i can't even see her even in her wake :(
condolence. i'm sorry to hear your loss.
ReplyDeletei can feel from this post that she became an important part of your life. friends come and go. everything can happen in just a blink of an eye. so let's enjoy our friend's company while they're still around...
He's now with God. there's nothing to worry about....
Geisha: thanks po kuya.. she has been my bestfriend in college. partner sa lahat ng bagay. for my 3 year term as eic anjan sya para damayan ako sa lahat.. as in lahat... i lost not only a companion but also part of those years. i can't afford reminiscing those lovely memories without her by my side... hindi na namin mai kwento sa magiging anak nya or anak ko (?) ang aming mga pinagdaanan.. haaayy.. salamat. you helped me grieving..
condolence -- alam mo, am sure nabasa rin ito ni ate dette mo at siguradong nabigyan mo sya ng ngiti habang pinagmamasdan nya ang mga taong mahal nya - kasi nga tama ang sabi mo, may nadagdag na namang anghel sa langit. at alam ko, sasabihin din sa yo ni ate dette mo -- go on and live your life to the fullest... enjoy life, kasi mas matutuwa ang mga anghel kapag masaya tayo dito sa lupa. salamat sa pagbisita sa blog ko -- andun na yung mga EB photos, baka sakaling gusto mong bisitahin :)
ReplyDeleteGeisha: thanks ate.. you raised me up..heheheheh.. oo nga i'm trying to be happy...not because of her lose but because of the good 'ol memories we had.. sana nasa mabuting kalagayan sya... thanks sa pagbisita. I love your EB pics :)
Hala oy magool man sab ta apil bisan wala ko kaila. Nway I will pray for her soul. Ang hirap mawala ang isang kaibigan na higit pa sa kapatid ang turingan but lahat ng bagay dito sa mundo ay lumilipas ng di inaasahan. My Condolences Jeff.
ReplyDeleteGeisha: salamat ate joy. i really appreciate it. ur right.. mahirap mawalan lalo na pag mahal mo ang nawala.. but god has better plans for everybody.. its His will.
Aws! thanks jeff- if not posted in your bulletin i wouldn't know that ma'am odette passed away. Now, akoang nahinumduman ang mga maihap nga mga panahon with her katong naa pa ko sa MU.
ReplyDeleteDi pa din mag sink sa akoang utok that she is gone already. At first abi naku ug tribute lang of some kind. Reading one line after another na shock ko na nawala na diay si maam.
ANg akoa lang mahinumduman ay ang iyaang smile at pagka mahinahon pag magsalita.
She's in a better place now. I am happy for her! I pray for comfort to those that she left-condolence!
GEisha: hi joveth.. i'm glad you read this. i really would like to inform the rest of the people whom odette had shared with especially sa ka batch mong mga governors before but i dont have enough medium to do it. thanks for the bulletin. it was indeed a very sad news. she lost her baby ( 8 months) through ceasarian method and was in MUMC ICU for a week due to kidney malfunction before she finally joined our creator. hindi na rin nya nakaya dahil affected na raw ang mga vital organs nya. me and july are planning to at least grace her for the last time but our work does not allow us to do so. we can only offer her prayers. salamat sa pagbisita.. i wish you the best! (by the way nagkita mi dri ni princesa. medrep na sya sa unilab)
condolence.. ang bata pa niya.. pero at least, kapiling na niya si papa jesus ngayon..
ReplyDeleteGeisha: salamat ling... buti pa nga sya.. ksama na nya si papa jesus.
condolence geisha...magpakabait ka muna ngayun month ha..wala nang kabastosan kasi maggalit si ate mo..ahe he he..
ReplyDeleteteka ano ba nangyari sa kanya?mukhang bata pa siya eh.
Geisha: salamat maldito... mabait naman ako ah.. :( major cause of death was kidney cherfer.. ewan wala kasi ako dun eh... pero she had a caesarian for her first baby sana prior to her week long stay sa ICU before she gave up. yeah right bata pa sya...
hi tear...until now i don't want to accept that fact,neither mention it.kay lagi murag wala pa lagi nawala si odette.naglagot ko niya tear,giingnan ug ayaw ug give up,na hulaton ta niya,kita tulo ni july,dili na dyud sya kasakay sa ako auto si kuya joey ra dyud. siya nalang pirme maka una.i cried every time i remember her...i used to be the one who kept telling her na dli nalang lagi magminyo kay sayo mabalo iya anab kay gahi kau cya ug ulo. nakonsensya ko tear.bitaw if naa pa sya sa ako tupad ron,giingnan na unta nako siya ug...di ba giingnan na taka taks???im sure that if she's reading this she'll be laughing at us and say"ang mga buang sa akong kamatayon nangasaba lang gihapon" well we don't have to write down her goodness because evryone knows thar she is so genuine and special...taksoddette we will miss you and nanieshka to. taks sau kau nawad an ug ninang si ikay oi,mawad an sad cya gift every xmas and birthday well the good thing is makuhaan sad ang bisita. dette you will always be a part of my success....i love you so much
ReplyDeleteGeisha: wala jud ka nausab princess bigaon gihapon kaayo ka.. i missed our bonding a lot.. the laughters, the tears, the paranoia, ang mga kuraw.. everything we shared with odette.. galisud kog kaon these days... everytime i face corned beef on my dining table i always remember her.. kusog ra ba kaayo to mokaon ug imported nga canned foods! i will miss her soo much! i ferevently hope that none of us will leave.. not now, not tomorrow! nakuhaan nag usa ang mga cute sa kalibutan i can't afford to lose another one!
Mare. condolence. , i know behind your smile lies a broken hearted and grieving geisha. pero sabi mo nga. (as a true blue theater talent) "THE SHOW MUST GO ON" dadala ako red wine inuman tayo sa office. bwahahah
ReplyDeleteGeisha: thank you mare. you gave me hope..the strength the will to give up..lol.. (kumanta?) tamang-tama ang wine mare.. para masisanti tayo sa trabaho.. heheheh go go go.. tagay na tayo! :D
ang galing naman! congrats!
ReplyDeleteei sali ka po sa kwentuhan namin sa blog ko!
huh?
ReplyDeletegeisha..ang lalim ng term...kidney cherifer?pangpataas ng kidney?he he he..joke lang ha...just smile. I know its painful losing a friend..life goes on.
ReplyDeleteat kay bunso.katawa tawa naman ang comment mo. cgurado ako na indi mo binasa ang post na to...congrats? may namatay na nga eh.tapos congrats? magaling?magaling dahil may namatay?ahahaha....
please naman, sa lahat ng bagohan, magbasa naman kayo before mag comment!
nagsaba na pod ko diri..pastillan.
Geisha: thanks maldito.. ur right life goes on... death signifies birth ika nga.. (ewan san galing to. basta!) tama ka nagulat din ako sa comment. pero ayus lang naiintindihan ko sya.. :) salamat ha. ;)
Condolence gurl :( ask lang q, study ka dati sa misamis U?
ReplyDeleteGeisha: salamat ate honey.. yup didto ko gaskul. y man?
mine eyes could not cry out the overwhelming pain of losing our friend...
ReplyDeleteGeisha: same here.. i'll visit you soon..
kay ako tita naga teach did2... mrs. maraguinot... anyway husband niya ang ako jud tito... dd2 unta q skul long long time ago since tga misamis mama naq
ReplyDeleteGeisha: oi tita mo pala ang aswang na yun! joke! i love her, and she loves me too... fave teacher ko sya! galing magteach nun! matalino sya sobra.. yung pinsan mo nga (anak nya) top 1 sa CPA board di ba.. nakalimutan ko yung year.. regards mo ko sa kanya T honey :D sabihin mo regards si jeffklein...
haaay. talagang it's hard to lose someone so dear di ba...just last month, my aunt passed away and it was sobrang painful talaga
ReplyDeletedon't want to experience that same kind of pain...masakit sa puso talaga
Geisha: ur right malen... sobrang sakit! condolence nga pala sayu.. moving on is the hardest part of every loses! but we have to..
mam odette.. i love you and i will miss you...
ReplyDelete[...] able to tell him about things that keeps me busy during my restdays. It is a webpage dedicated to my friend Odette. And i was surprise with the spontaniety of thoughts from his mouth. He’s not afraid of death [...]
ReplyDeletehalo jayR.. i miss you too! :(
ReplyDeleteSis, sure I will bag-o lang sila uli dire sa davao last month kadali lang kay grabe na yang tatay (si tita mismo...) see what a small world! kadali lang q sa misamis oi kay ang work grrr... hope 1 day to see u!
ReplyDeleteGeisha: thank you sis! sana nga magkita tayo.. toz papa autograph ako ha... ;)
SALAMAT!!!!!!!!!!!! s lahat ng taong nagmmalasakit ky ate odette. Wala n akong mssbi p s kanya nung nkksama p nmin cya.Super bait at maunawain. Anjan pang kylangan mo. Hay..... te odette kung nsan k man alam mo kung gano kita kamahal!!!!!! I LOVE YOU SO MUCH!!!!! sna maging masya ka s piling NIYA.......
ReplyDeleteGeisha: we love her too! she's one of the best person that i treasure the most!
[...] ang aming mga karanasan. Hindi na namin pwedeng ulitin lalo’t wala na ang isa sa cast ng aming friendship. Mga totoong tao. Sarap [...]
ReplyDelete[...] May mga times din na super emote ako. Yung tipong naalala ko yung unang iyak ng pamilya, nung akoy nawalan ng isang matalik na kaibigan at nung nag fe-feeling homesick [...]
ReplyDeleteThank you jeff sa post.. I really miss my baby and our angel Keisha Audrey and I can feel that she is standing right beside me while reading your story.. till now I'm in pain but all I can do is endure all the pain coz sometimes I feel guilty for the decisions I made.. If only I can turn back time and be with her always, I would.. I love her so much till now she's all I need to make the pain in my heart, soul and mind dissapear.. I thank God for the unforgettable moments that he gave for both of us.. thanks again jeff.. God Bless
ReplyDelete