waiting for nothing?

Nung bata ako, alam ko na na hindi ako straight.
Nung nasa elementary ako, alam ko na hindi ako sing-tapang nga mga klasmet kong nakikipagbasagan ng bungo!


Nung nasa high school ako, nagsimula na akong maglandi, magkagusto, at magkaroon ng pagnanasa.
Pero hindi pwede, kelangan unahin ko pag-aaral ko bago ang boypren. Bago ang kalandian.
At nalampasan ko rin lahat.

Nung college ako, dumarami ang mga gwapo! Lumalawak ang tingin at standard ko sa physical attractiveness. Hindi lang looks ang inuuna ko pati package! :lol: Naging mature na ang pag-iisip ko. Naisip ko handa na akong mag boypren. Pero hindi pwede dahil kelangan kong tapusin ang psychology at gawin ang trabahong nilaan ng tadhana para sa akin sa unibeersity!
Nag sour-graping na lang ako! Sabi ko sa sarili ko, dadagsa din yang mga boys na yan parang langgam pag may career na ako!

At ngayon, taong dalawang libo at walo. Bente dos na ako.
Hinanap ko ang kasagutan ng mga denials ko!
Ngayong may pang vanity na ako, stable na trabaho at sariling place, nasan na sila?

Hanggang kelan ako maghihintay? Pag ulyanin na ko? :(


*hindi po ako desperada, nagtatanong lang pow! :lol:

Post a Comment

2 Comments

  1. wow, winner entry; very insightful ;-)

    ReplyDelete
  2. naisipan kong i-visit ang blog mo tas nabasa ko to,
    tama ka, hindi ka naman sawor greyping e hehe
    kaso naisip mo lang na bakit nga single ka pa
    ang hirap mag antay no?
    habang inaantay lalong tumatagal.
    minsan din wala naman kung may pera ka o wala e.
    malay mo dba?

    ReplyDelete