....isang eksena sa buhay call center

.....hindi ko na sha narinig na tumawa. Naka break ata ang punyeta. Buti naman para maipag patuloy ko ang aking nasimulan diva?


Nabanggit ko last time ang mga first experiences. Unang tikim. Unang sakit. Unang ligaya. Unang hapdi. Bahala ka na mag-isip! :P



Pero hindi ganyan ang tinutukoy ko.
Technically, may ikukwento lang naman ako. Isang bonggang-bongga pangyayari sa buhay call center! :lol:


Pasok Geisha!

Sanay na ako na pag oras ng pasukan ko, mag-isa lang akong bubuksan ng pinto ni manong guard! Yiz kamatis. Binubuksan nya ko ng door at grand entrance ako lagi dahil ako lang ang papasok pag ganung oras. At first i felt so kagandahan para silbihan ng ganun. Pero I later found out na ginagawa lang pala yun ng kupal pag sinipag sha! At thank god sinipag sha ngayon kaya nginitian ko sha! Right after opening my locker, dretso agad ako sa station ko.


Log-in sa pc. Set up ng tools. Check for company updates sa outlook at clients update. Check personal emails. Check freewebs, friendster, facebook, tagged, perfspot, g4m at marami pang iba! And finally, open my blog for hate comments. Heheheheh


Hindi ko sya matanggap.


Korak! Maraming bagay sa ganitong industry and hindi mo kayang tanggapin. Lalong lalo na kung ikaw ang pagagalitan ng customers sa katangahang ginawa ng inyong produkto/kliyente/opismeyts or kompanyang pinaglilingkuran. Malamang ay hindi mo rin kayang tanggapin ang paghingi ng sorry at pagpaumanhin dahil sa kasalanan ng iba! Marahil ay hindi rin kaya ng bangs mo ang pahirap na idinulot ng mga intsik na hindi lang supplier ng mga pekeng product at nakakalasong mga pagkain at gamit. Supplier din sila ng mga salitang bagong imbento tulad ng wang, pay, nay at chiro-chiro! Dudugo din ang ilong mo sa ka eexplain sa kanila about the policy only to find out that they will ask you the same question after you explained it! At higit sa lahat kahit 15 minutes akong advance sa shift ko today ay LATE pa rin akong nag log-in dahil sa bloghopping ko! Grrrrrr....


We know what to do di ba?


A huh! Kelangan talagang matutunan mo kung pano lumusot sa sitwasyong katulad nyan! At para hindi ka ma-stress at maging negative ang outlook sa buhay, kelangan mong gumawa ng sarili mong mga ways and means! Take note! Maraming paraan.. at ang ilan ay nakakaabala!


Ulam!


Madalas ay bawal kumain sa mga stations. Lahat ng contact centers ay may sariling pantry or canteen kaya't nararapat lamang na dun ka kumain at magpakabusog. Pero kung ibang parte ng katawan mo ang gutom pwede mo shang ma satisfy sa harap mismo ng iyong monitor! That could be Rafael Nadal, Peter North, Brent Corrigan or Paris Hilton! Hehehehe :D Pero kung discreet ka, pwede ring dalhin mo ang food mo sa station mo at dun ka kumain ng bonggang-bongga habang nakatutok ang cctv camera sa iyo! Mag-ingat ka lang sa IT at sa bisor mo!


Usok!


May mga panahong masaya ka sa calls mo at meron din namang hindi! Either way, dito mo mailalabas ang iyong pagiging artista dahil right after you said sorry at magmamagandang loob sa kausap pipindutin mo na ang mute button sabay "putang ina". Yung iba pasimple pa. Yung iba naman mag di-dirty finger pa. Pero wala yan sa lolo ko, este sa kilala ko pala. Sa bawat "i'm sorry to hear that", sa bawat " i understand" nya, sinasabayan ito ng pagpindot ng mute at pagmumura ng super lakas. Pati ipis at daga maglulundagan sa takot ng kanyang boses! Minsan hindi maiiwasang ma badtrip. Kung ang pagmumura ay nakasanayan mo na at parang prayer mo na sya, bahala ka! Pero sana naman hinaan mo boses mo and make sure na ikaw lang makakarinig. Dahil may ibang taong hindi gustong makarinig ng ganung mga words, or baka mabugbog ka ng opismeyts mo dahil inaalipusta mo ang nanay nila! hihihih :D (ayan na naman nagmumura na naman sha!)


Pasarapin ang eksena. Ilabas ang coke.


Mag reserve ng pambatong accent at english. Ilabas ito pag asian ang kausap para hindi nila mapapansing Pinoy ka ng sa gayun ay hindi hahaba ang usapan nyo tungkol sa mga kamag-anak nila sa Pinas or kay Manny Pacyow! Isa rin itong tactic para mag yes na alng ng yes si customer sabay hang up dahil hindi nya gets ang sinabi mo hayfaluting words! :lol: Maari mo ring ilabas and iyong natatagong landi at katarayan when situation requires it. Lalo na pag maganda ang boses ng kausap mo at nakikiliti ang nipples mo or kung kupal ang kausap mo at nanghihingi lang naman pala ng freebies at nabubuhay sa promotions. Dito rin lalabas ang tunay na batayan ng iyong pacensya! Gayun pa man, hindi tamang maging negative ka dahil sa isang sitwasyon at tuluyang masira ang iyong araw damay pa pati future customers mo. Its definitely a NO NO for customer service account.


Spotlight!


Despite pressure and haggard conversations, it feels great when you resolve a customers concern after all her rants for not understanding the policy. Ang sarap ng feeling na na-recognize nila ang efforts mong tulungan sila. Lalong lalo na kung mag so-sorry sila sa iyo dahil sa katangahan nila! Minsan masama ang loob ko kung hindi ko sila natutulungan. Minsan din masama ang loob ko dahil sarado ang utak nilang pakinggan ang mga dapat nilang gawin. Wala na yatang mas hihigit pa kung gusto nilang kausapin ang bisor mo for commendation. Pero imbyerna din kung maghahanap sila nito para magreklamo.


Music!


Sa industriyang ito, musika na sa tenga namin ang bawat "toooooootttt" na maririnig. Parang symphony orchestra na sa amin lalo na kung naka hold ka dahil sosyalan yung company phone nila to the tune of beethoven. Nagiging musika na rin ang mga bonggang-bonggang intonation ng mga callers. Alam na namin kung asian, black, white, or british ang tumatawag. Pati nationality kaya na rin naming malaman. kabisado na namin kung vietnamese, londoner, chinese, korean, american, canadian and of course pinoy!


At higit sa lahat... SMILE.


We are trained for that lalo na pag nagsasalita to make your voice more accomodating and helpful. Pero its a case to case basis. syempre alangan naman naka smile ka tapos umiiyak na yung kausap mo! Ano yun pang-aasar? :D


Hindi lang yan ang dahilan ng Smile. Maraming mga stressors na nawawala ng pag-ngiti aside from the usual beauty benefits of it.


That's what I exactly did to keep myself from the negative vibrations i felt mula sa aking mga katabi at kasamahan!

Post a Comment

10 Comments

  1. Aba, ako pala ang pinakaunang nag-comment... himala... hehe... at eto, pumangalawa pa... :)

    ReplyDelete
  2. miss ko na kayo, pero hindi ang work, peste

    ReplyDelete
  3. @coolwaterworks
    cvge lang comment lang..dagdagan mo pa.. hihihihihi :D

    @clio
    hayuf! miss ka na rin ng lahat! :)

    ReplyDelete
  4. ganon pala ang buhay call centre...todo todong patience is a virtue, ha!ahihihihi...

    i smiled nung nabasa ko si Rafael Nadal...in fairness! ramdam ko! ahihihihihi.

    ReplyDelete
  5. di bale ate, gandalicious ka pa rin naman.... itanong mo pa kay manong guard!

    ReplyDelete
  6. bwahahahaha~!!! natawa ako kung pano ka magkwento.. haha~! asteg! :D

    ReplyDelete
  7. sana, hindi ka lang sa contest ni badoodles manalo, pati na rin sa coke (wowowee) pag sumali ka...

    hirap ng trabaho mo... pag mahina ka, baka namura mo na mga yan... pero may kakilala ko, pag minumura ng mga clients iho-hold nya sabay mumurahin nya...

    ReplyDelete
  8. nakakatuwa naman ang kwento/post mo. true naman talaga yan, ang buhay call center ay nakakaloka kasi lahat ata ng emosyon mararamdaman mo na. ;)

    ano na nga palang nangyari sa guard na yun? sinipag ba ulit? hehehe

    tama, smile lang, enjoy sa buhay at mag coca-cola...toink! ;P

    ReplyDelete
  9. saya -saya ng pagkakalahad ng blog na ito... parang yung commercial lang ng coke. hehehe!

    tindi talaga ang pressure sa call center, nakakabaliw buti na lang yakang-yaka ni geisha! at take note, may paraan sa mga kabagayan.

    more power!

    ReplyDelete
  10. so true!
    ang kainis eh na resolve mo na ang problem't lahat-lahat...bigla na lang ibaba ang phone sayo...&3$@! hehehehehe

    good writing mareh :)

    ReplyDelete