Makalipas ang isang siglo, nagbalik na rin ang ulirat ko.Para akong isang australopithecus africanus na nakakita ng apoy mula sa kidlat! Ang daming first time. First experiences at higit sa lahat ang dami kong natutunan mula sa pamantayan ng buhay. Tseh!
Kung dati’y parang “wala lang”, iba na ngayon! Nananapak nko pag sinabihan akong bakla ng isang ordinary people. Pag may mag SMS sa akin ng bastos at nonsense qoutes, buburahin ko na sya agad sa phonebook ko. Pag may manghihingi ng pasaload or share-a-load de-delete ko na rin pati yung mga hindi nagrereply. Pag may marining akong hindi maganda tungkol sa akin, kakalbuhin ko na agad ng bonggang-bongga. Wala ng negotiation pa! At kung mag co-coment ka ng negative sa blog ko, irereport kita sa wordpress para ma block ka na! Tseh!
Pero syempre joke lang yun! Hindi ako ganun ka gaga slash loka-loka slash tanga slash deperada para gawin ang mga bagay na yan! Isang tao lang alam kong makakagawa ng ganung bagay! Hanapin nyo sa photo blog ko. Taong kabayo lang! Tseh!
Malaking tulong ang comment nina Bluep sa aking muntikang pag check-in sa National Center for Mental Health . Dahil sa kanya, na justify ang aking mga mood swing. At kay IFM na nag suggest ng isang magandang therapeutic activity. Ayoko syang sabihin sa inyo bka gayahin nyo pero one thing is for sure, hindi sya yoga or facial treatment at lalong hindi sya sensual massage! Sempre sa aking kumareng si Clio na tumatayong konsensya at guardian angel slash devil ko! Thank you marse! Tseh!
The continuous stress at the workplace somehow aggravated my lowly deportment for the past days. Nagiging redundant na ang lahat ng trabaho pero nagiging transparent naman ang mga taong animo’y busy-busyhan sa kanilang desk sa kaka-browse ng friendster at porns! (Humanda kayo sa akin dahil mapapasainyo ang spotlight ng blog ko soon) Andun ang mga pabibo, workaholic kuno, feeling genious at mga feeling have-it-all at know-it-all. All of which are sooooooo nakakaabala! Idagdag mo pa jan ang mga tawang animoy nang-aakit ng mga kampon ng kadiliman sa kalagitnaan ng hatinggabi! Pwede namang hinaan ang tawa di ba? Kunyari finess ka!
Ayan na naman tumawa na naman sha! Wala na naabala nko…. itutuloy ko na lang to bukas!
Tseh!
0 Comments