Parang kelan lang nung una kong sinulat ang sample post ko dito. Illiterate pako nung time na yun. Walang alam sa dashboard ng wordpress kaya manual kong tin-ransfer ang mga post ko from blogspot to wordpress. Pa demour pa 'ko nun. Akala ko walang babasa ng post ko. Umabot rin ng isang linggo bago nagkarun ng comment ang blog ko. Ang saya-saya ko nun. Feel ko ang ganda ganda ko! lol Hanggang sa umabot na ng sampu ang nasa blogroll ko. Tuwang-tuwa pko pag may nakita akong bagong comment. Kahit nasa spam inaaprov ko para lang dumami.. (joke)!
Pero the experience of having friends all over the solar system because of blogging is incomparable. I was able to tell people what i had in mind on certain current issues, be it in universal, international, national, local or personal. People also started to notice that my blog is not at all about gayness and chupaan (sorry for the word). At least i had imposed an impression that i am a gay with essence, substance and wit. chozz (sheeett naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni bro utoy.. yung tipong virginal daw! parang urinal lang.. in short parausan! at least hindi palikuran..hahah) Pero minsan, hindi ko pa rin napipigil ang inherent qualities ng pagiging geisha. Yung tipong malandi, maharot at balahura. Kaya nung nakahithit ako ng baygon, tinodo ko na ang pagpost ko ng hubad. Kahit may ilang member ng PETA at WWF na nagalit sa pambaboy ko keri lang. Kasi nga bangag ako nun!
For a year in wp, mailap ako sa mga bloggers na gustong makipagkita sa akin. It's not that i'm not friendly (i am friendly pero hindi lang halata), its just that i'm not that sociable (but i dont have imaginary friends huh). Pero i can't believe i've met some of the wp pinoy bloggers whom i admired. Nakita ko ang miss bacolod at ang miss davao. Heheheh :D
Pero super ang isang taong experience ko sa wordpress. Ang daming blogger with substance dito. Kahit may mga gabing tigang ako, kinagat pa rin nila. Nakisaya rin sila sa mga kapalpakan , bloopers or kagagahan na aking ginawa. May mga times din na super emote ako. Yung tipong naalala ko yung unang iyak ng pamilya, nung akoy nawalan ng isang matalik na kaibigan at nung nag fe-feeling homesick ako.
Pero may biglang nag flashback sa memory ko.
November yun nung nagkaroon ako ng tapang na magtaksil sa blogspot at lumipat dito. Halos araw-araw pko magpost nun. Palibhasa wala akong magawa sa buhay kundi magpost ng forwarded email at magkwento ng kalandian. Daming memories. Daming first and last experience. Daming luhang dumaloy sa marupok kong kamusmusan. Mga unang tikim. At yun na pala ang huli.
Isang taon na rin nung naghiwalay kami ni Gary. Ng pesteng Gary na yun. (bitter?) Pero i'm a better man now. (man?lol) Hindi na ako open to any proposals for now. Not even to relationship (i insist one more time "FOR NOW"). Kaya cgro ngayon naiintindihan na ako ni Clio kung bakit ganun na lang kamanhid ang aking bilat sa mga paasang lalaki na yan.. Chozzz~~ HIndi naman ako pinaasa, pinangakuan lang naman ako ng araw, buwan at bituin. Kung tutuusin, hindi dapat ako naniwala. Alam kong imposible iyong mangyari. Kahit gaano man kaliwanang ang araw, dadating at darating din ang gabi. Ang buwan kahit gaano man kaganda, hindi naman sha laging fullmoon pag pumapagitna sa kalawakan. Minsan half at quarter pa! Minsan nga solar eclipse pa eh! At ang bituin ay magiging bato at buhangin na anytime ay pupuwing sa mata mo punyeta ka! Yun nga ang nangyari! There was even a time na napag-usapan namin ang kasal. Tuwang-tuwa naman ako. Wlang paglagyan ang pwerta ko sa tuwa! Lasing lang pala ang punyeta kaya nagtext ng ganun. Nung sumunod naman sabi nya mag-aampon daw kami para may direksyon ang buhay namin. Sabi ko sa kanya pag-iisipan ko. Nagtampo ang putah! Yun pala may nabuntis pala sha 3 years ago at gusto nyang kunin ang anak nya! Anong akala nya sa akin yaya? Di ba? Di ba? huhuhuh (chozz)
Pero kinalimutan ko na yun. Nakapagtirik nko ng kandila for that experience. And hopefully, as i proceed for another year here in wordpress, i want it more memorable and i want it a venue for personal growth and maturity. And hopefully may magregalo sa akin ng bagong laptop sa pasko at may magsponsor ng dot com :D
Harinawa!
1 Comments
una kaya ako? teka bakit blogspot ito? hehehe...
ReplyDeleteHappy anniversary, Geish! once again, napabasa ako ng post from beginning to end which is bihirang gawin ko sa iba. at na-extra pa ang name ko! hehe...
God bless and keep dem posts coming!