Tag ta tag tag mula kay Bro Utoy

lemonAaminin ko.
Mahilig ako....
Mapagbigay ako sa mga taong namimigay sa akin ng kaligayahan. Sa mga taong hindi nakakalimot sa aking alindog at natatanging kagandahan. Sa mga taong gwapo at magaganda. Lalo na sa mga pangit at tinalikuran ng tadhana! Chozzz!~~~

Matagal-tagal na rin akong hindi nakatikim. Kumbaga, tigang ako sa mga bagay na ito. Yung huling tikim ko ay halos dalawang buwan na rin. Siguro umabot ng ganun katagal dahil sa sobrang busy ko sa work. Hindi na kasi ako nakakapaglandi ng harapan at nakikipag flirt kahit sa mga blogs man lang.. (may ganun?)


Kaya laking pasalamat ko ng may kumalabit sa akin. Si Bro. Utoy. Isa sa mga blogger na iniidolo ko at nirerespeto ng bonggang-bonggang bongbong. Aaminin ko, i'm not a regular church goer. Not even a seldom church goer.. heheheh. Kaya when i learned that he is a seminarian, naisip ko na bka pag bumisita ako sa blog nya, sermon lang abutin ko at iiyak ako ng bonggang-bongga! Pero hindi! Yung sense of humor nya ay kakaiba!


Teka lang bka puro introduction na lang tong post na 'to!


Heto ang listahan ng mga blogger na hindi lang iniidolo kundi sinasamba ko pa in no particular order:



Bluepanjeet and Bro. Utoy

1. Bro. Utoy - not only that he gave me this tag kaya nangunguna sha sa listahan ng awardee ko. Aaminin ko gwapo sha. At hindi bola yan kuya. He had my respect at isa sha sa mga blogger na hindi ko pwedeng bigyan ng comment na balahura or something to that effect. hehehe :D He is a man of church whose versatility is admirable. At heto ang hinding-hindi ko makakalimutang comment nya for me (actually na print ko na sha at nakadikit sa room ko..heheheh)



your posts reveal that you do have the qualities of a courtesan: cultured, stylish, poetic, virginal, medyo naughty kung minsan… at syempre the looks to cap it all. hindi bola yan ha.

2. IfoundMe - my mentor, my angel and my devil (joke). She's super bait and down to earth. She is the only blogger na halos araw-araw ko nakakausap. An intelligent and a philantrophist by heart. And for the record, she is the sole blogger from WP na nakasama kong magkape sa Greenbelt. And take note, isa ako sa mga saksi ng planetary alignment that day and Geisha never fails to pay tribute to Miss Bacolod 2005 (yes ka lang mare wag kang pumalag). Mare maganda tayo!


3. Bluepanjeet - aminado akong nataranta ako the first time he visits my blog. Hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko alam ihahanda ko. I dunno if i'll serve kape, juice or mompo.. (hehhehe) Dati sumisilip lang ako sa blog nya.. hindi nagcocomment dahil baka magmukha akong gaka (gatecrasher sa showbiz lingo). Pero hindi pala! Nanghihinayang ako kung bakit hindi ko sha madalas mabisita. Nahihirapan kasi akong buksan bahay nya sa browser ko! Hmp! I gain a lot of beautiful insight from him. His advised is truly useful and easy to apply. Hindi ko makakalimutan ang advised nya sa akin na i-treat ang aking self pag stressed ako. Which i did! Kaya till now kahit busy sa work, shopping lang ang katapat! heheheh At heto ang una nyang sinabi sa akin in one of my entries. Like Bro. Utoy, nakalaminate din sha at andito sa wallet ko.



I was surprised to see this entry of yours. to be honest I never thought that you can be so serious. I admire you for that. You are indeed a no-nonsense blogger who can be funny and at the same time witty and intelligent.

4. Cliogoddess - ang aking kumareng nasa sistema ko na! We were rubbing elbows ang shoulders. She has been my conscience in my procrastination and i did otherwise. I found the ideal ate in her. She taught me a lot of things and her wits and experience somehow enables me to stand in this jungle. This environmetalist kumare never failed to slap me when stupid and made me cry when i need to. She has most profound posts and aaminin ko i felt intimidated sa english nya! I have always been conscious pag kasama ko sha! Ingat na ingat ako sa mga sinasabi ko. Takot akong ma qoute sa blog nya! Nangyari na sa akin once, twice, thrice at marami pang iba! And she deserves to be on this list because of that!.


5. BeerO - a blogger who never fails to appreciate my kalandian at sentiments. A prolific writer in the making. And ohh i almost forgot, aside from IFM, he's the second from WP na nakausap ko na! And mind you, his voice is angelic that the first time i heard it, i spend almost half an hour over the phone talking to him from their rooftop. :D


6. Coolwaterworks - ang blogger na madalas nagpapadugo sa ilong ko. Lahat ng post ko pinatulan. Mapa english, tagalog o bisaya. And take note, for my political posts, he had the most interesting comments and a very profound one. With his deep analysis on current issues, no wonder this man will soon make a name in politics! From the day he gave me this comment, naging watchful na 'ko sa mga posts ko. Pag feel kong magpaka naughty quiet na lang ako baka kasi mawalan sya ng trabaho ng dahil sa akin.. heheheh :lol:



Nag-iingat akong buksan ang blog mo dito sa office eh, kasi baka kung anong picture naman ang i-post mo at makita nila rito, baka maa-issue-han ako ng written warning… hahaha!

7. Wei Vines - ang unang naging cras ko sa blog.. heheheh :D Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka move on sa sinabi nya na sa 2010 na kami pwede mag meet! Hahahahah :D A very good son and a good student. Magaling magsulat and is very open with his emotions. His blog never fails me to laugh, cry and sometimes put into comatose!


8. Honey - the ever generous and galante! She never fails to remind me that i'm beautiful. Like IFm, lagi rin kaming nagpupuyat nito sa chat daily. She had shared brilliant ideas about life, love, boys and pictures of ahmm... hmmmmm secreto na lang namin yun! hahahahah :D And who will ever forget the gift she sent me from Davao for my 20th birthday. I love that durian! I want more ate..hehehhe Joke! And excited nko makita sha in person!


9. Hisnameisdencios - isang baguhang blogger na nuknukan ng appeal! I dont have much to say about him except for his fashion and passion. He deserves an award. And i want to hand it to him personally. kaya papa dence magpakita ka sa akin pag uuwi ka ng pinas! hehehe No pressure!


10. Tapsiboy - ang blogger na may perpektong konsepto ng sex appeal! hahahah Sorry kuya! Yes you read it ryt! May mga censored kami na talks. Censored na educational. I've learned a lot from our long talks. Everything under the moon..heheh kasi kung hindi midnight, madaling araw kami lagi nag-uusap! Usap lang yun huh!


Sa mga hindi ko nabanggit i'll mention you all sa susunod. You know who you are! All of you deserves this award too. Pero sabi ni Kuya, malalaman nyo rin ito sa takdang panahon!


*galing sa blog ni Bluep ang pic na yan. Sorry di ako nagpaalam :D


Don't have time to browse my blog? Wag mataranta! Just Enter your email address to read my blog direct to your emails:

Delivered by FeedBurner

Post a Comment

0 Comments