You read it right. My singing career is over!
"...sana lang pwedeng mag swallow di ba? " | ||
Kagagaling ko lang sa isang Otolaryngology or commonly known as ENT.
Bumagsak ang aking mundo nung sinabi nya sa aking sira na ang vocal cords ko. :(
Isang masamang balita lalo pa't maraming nakapilang booking at singing engagements. At higit sa lahat, alam ng lahat na boses ko ang aking puhunan para kumita ng yen.
Tatlong taon ang aking binuno para sumikat ang aking talento sa pagkanta. Nakapagpatayo na rin ako ng bahay at nakapagpa-graduate ng nursing. Nakabili na rin ako ng char! Kyeme! All because i sing! I sing like theres no tomorrow!
Ito marahil ang hagupit at higanti ng maykapal sa pangaabuso ko sa aking boses. Kahit hindi ko kaya ang whistle ni Mariah sinubukan ko pa rin. Kahit alam kong mas mataas ang boses ng Aegis keysa kay Regine, showdown pa rin. Kahit alam kong liliit ang aking bayag sa Bohemian Rhapsody ay kinanta ko pa rin. At kahit alam kong hanggang Lady's Finger lang ako ay tinry ko pa rin ang saba!
May pag-asa pa naman daw sabi ni Doc. Pinapili nya ako ng iisang option.
Rest. Muntikan na akong hindi pumayag.
Rest in peace. Gusto ko na pumulag
Total bed rest. (Biglang nagflash back ang bed sore ni lola nung nakaratay sya bago mamatay) Hindi keri.
Maliban sa isa.
Pa-admit para matutukan ang mga medicine intake ko. Patay! May trypanophobia ako at ikakamatay ko yun!
Option pa yun sa lagay na yun? Sheeet! Diva?
Kaya naman i've chosen the former. Total Bed Rest.
At sana lang may trabaho pa kong balikan pagkatapos nitong bed rest ko. And ohhh i almost forgot, it feels great resting this disease on a six packs! (sana lang pwedeng mag swallow di ba? ahehehhehe)
See you all when my voice is well. Miss ko na kayong lahat. (insert sarcasm here! Joke)
0 Comments