La,
Kumusta ka na?
Sana maayos ang kalagayan mo ngayon.
Na miss mo ba ako? Miss na miss na rin kita at kayong lahat dyan. Hindi ko pa alam kung makakauwi ako. Hinihintay ko pa ang approval ng kompanya at syempre ang pera ko pambili ng ticket sa eroplano.
Mag-iisang taon na rin pala nung huli tayong nagkita. Sinabi mo sa akin na gusto mo ang tsinelas kong havaiannas. Kabibili ko lang nun pero dahil love kita binigay ko sayo ng walang alinlangan. Ngayon lang din nag sink in sa akin yung sinabi mong gusto mo ng magpahinga. Sabi ko sayo, wag muna dahil may sorpresa ako sayo next year. HIndi mo ko sinagot. Ngumiti ka lang.
Malapit na birthday mo. Tamang greeting lang ayos na sayo. Pareho kasi tayo. Hindi tayo sanay ng lavish birthday bash. Enough na sa atin parehong makapagtirik ng kandila at makapagdasal mag-isa.
Alam mo La, I have been a fan of your experience. I have read the details of world war II and martial law sa mga aklat but your personal stories is far more detailed than those seen on documentaries. You have shared to us how life was during those times. Your hardships during the war, during the liberation until martial law era and up until estrada was ousted. You never failed giving me your insights.
Whenever i'm down you never fail to lift my spirit. When i need space, i run to you and i never heard anything unpleasant from you. I knew that you inherited your katarayan on your spanish heritage but i was never a victim of your rage.
My very first memory with you was when i visited you at your coffee farm. You served me my first intake of a purple rice and a homemade coffee. Tuwang-tuwa pko nung kinwento mo yung mga childhood memories ni mama. Since then, i have been an avid visitor. Kahit malayo ka pumupunta pa rin ako every weekend hanggang sa dun na 'ko tumira sa bahay mo.
Hayysss.. Sarap ulit-ulitin ang childhood moments na yun.
Pero tama ka Lola, dapat maging mature ako dahil tumataas ang edad ko.
Sorry po pala. Hindi ko na matutupad ang pangarap mo sa akin na mag-asawa. Wala ring saysay dahil hindi mo na rin makikita ang magiging apo mo sa tuhod. At sorry din dahil hindi na tayo magkikita pang muli.
Sayang.
Sayang wala ako nung nilisan mo ang mundo. Sayang at wala ako sa tabi mo nung nag-agaw buhay ka. Sayang at hindi man lang kita nayakap bago mo kami iniwan.
Pasensya sa mga panahong wala ako nung kelangan mo ko. Alam kong pag nagkakasakit ka ako lagi hinahanap mo. Nakailang beses na rin kitang dinala sa hospital. Sa totoo lang, sising sisi ako na wala ako sa tabi mo ngayon.
Halos sabay pala tayong nagkasakit pero pareho nating nilihim sa isa't-isa. Ayoko kasing mag-alala kayo sa akin at alam kong ganun din iniisip mo. Pero sana sinabi mo kalagayan mo para alam ko. Pero sempre i don't blame anyone for that.
Huling araw mo na sa Sabado lola. Sana makauwi ako kahit Biernes ng gabi man lang bago ka ihatid kasama si lolo at Grace. Patuloy pa rin akong nananalig ng himala na sana makauwi ako. Alam kong tutulungan mo 'ko. Pero hindi ako nangangako.
Makauwi man ako o hindi, tandaan mong nag-iisa ka sa buhay. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Ipapangako ko sa 'yo na aalagaan ko si mama para sa 'yo. I promise i shall take care the family you loved the most.
Salamat sa alaala lola. Thanks for giving us Mama.
I love you,
Jeff
0 Comments